Ka Tunying sa mga 'kakampink': Wala kayong kadala-dala! | Bandera

Ka Tunying sa mga ‘kakampink’: Wala kayong kadala-dala!

Therese Arceo |October 01,2022
facebook
share this

Ka Tunying sa mga ‘kakampink’: Wala kayong kadala-dala!

Therese Arceo - October 01, 2022 - 12:33 PM

Ka Tunying sa mga 'kakampink': Wala kayong kadala-dala!

TINALAKAN ni Anthony Taberna o mas kilala bilang Ka Tunying ang mga taong nagbo-boycott at nagka-cancel sa isang shopping app.

Marami kasi ang nagdesisyon na huwag nang gamitin ang naturang online shopping app matapos nitong kunin bilang bago nilang endorser ang Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga.

Sa kanyang ginawang live sa YouTube channel na “Tune In Kay Tunying” ay hindi ipinahayag niya ang kanyang saloobin ukol sa trending topic ngayon.

Makikita sa mismong title ng kanyang vlog ang “kakampinks” na siyang tawag sa mga tagasuporta ni dating bise presidente, Atty. Leni Robredo.

“Wala kayong kadala-dala… ‘yang boycott-boycott n’yo na ‘yan malaking kalokohan ‘yan,@” saad ni Ka Tunying.

Dagdag pa niya, “Marami nang Pilipino ang nabu-buwiset diyan sa boycott, boycott i-style n’yo na ‘yan.”

Aniya, hindi pa raw ba nakaka-move on ang mga ito sa pagkatalo ng kanilang sinusuportahang kandidato noong nagdaang eleksyon.

“Hindi pa ba kayo nakaka-move on sa matindi at kahiya-hiyang pagkatalo ng manok n’yo? Dapat tapos na yun, tapos na yun,” sey ni Ka Tunying.

Pagpapatuloy pa niya, “Lagi na lang tayong nag-aaway… Puwede ba tama na? Sinasaktan n’yo lang ang sarili n’yo,” sey pa ni Ka Tunying.

Chika pa niya, hindi lang daw ang online shopping app ang apektado sa nangyayari dahil maging ang mga merchants nito ay nadadamay.

Samantala, hindi lang naman mga buyers ang nagka-cancel sa naturang online shopping app dahil maging ang mga mismong sellers nito ay nagwi-withdraw ng kanilang mga produkto matapos ang pagkuha kay Toni.

Ipinakita rin ni Ka Tunying sa kanyang vlog ang naging tweet ng beteranong aktor na si Jaime Fabregas na isa rin sa mga nagtanggal na ng kanyang account sa naturang online shopping app.

Binati rin niya ang aktres sa bagong endorsement nito sa kabila ng mga intriga patungkol rito.

Si Ka Tunying at Toni Gonzaga ay ilan lang sa mga personalidad na parte ng pinakabagong TV network na ALLTV.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anthony T. Taberna (@iamtunying28)

Related Chika:
Ka Tunying never humingi ng tulong sa pamilya Marcos para sa medical bill ng anak

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Toni Gonzaga ‘unbothered’ kahit inaayawan ng netizens: They are the reasons why we are here today

Ka Tunying sa patuloy na paglaban ni Zoey sa leukemia: Konti na lamang, bumabalik na sa porma

#TrueBa: Andrew E bagong endorser ng isang online shopping app?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending