Rendon sa mga kabataang palamunin at puro asa lang sa magulang: 'Mag-isip-isip kayo dahil t*e lang kayo kapag walang narating sa buhay' | Bandera

Rendon sa mga kabataang palamunin at puro asa lang sa magulang: ‘Mag-isip-isip kayo dahil t*e lang kayo kapag walang narating sa buhay’

Ervin Santiago |November 05,2023
facebook
share this

Rendon sa mga kabataang palamunin at puro asa lang sa magulang: ‘Mag-isip-isip kayo dahil t*e lang kayo kapag walang narating sa buhay’

Ervin Santiago - November 05, 2023 - 07:54 AM

Rendon sa mga kabataang palamunin at puro asa lang sa magulang: 'Mag-isip-isip kayo dahil t*e lang kayo kapag walang narating sa buhay'

Rendon Labador

TODO-TODO ang pasasalamat ng social media personality na si Rendon Labador sa kanyang mga magulang dahil hindi siya pinaasa at binola ng mga ito noong bata pa siya.

Proud pang ibinandera ng kontrobersyal na motivational speaker sa buong universe na tinawag siyang “walang kuwenta” ng tatay niya dahil ito raw ang nagsilbing daan para makita niya kung ano ba talaga ang reyalidad ng buhay.

Sa kanyang Facebook account, muling nagbahagi si Rendon ng mga life lessons na natutunan niya sa ginawang pagpapalaki at pagtataguyod sa kanya ng kanyang parents.

“‘WALA KANG KWENTA!’ Yan ang salitang tumatak sa akin galing sa aking ama. Nag pursige ako sa buhay dahil sa mga salitang ito,” ang pagpapakatotoo ni Rendon sa kanyang FB status.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pero aniya, sa halip na magalit at magrebelde, feeling thankful and grateful pa raw siya sa kanyang tatay at nanay sa klase at style ng mga ito sa pagpapalakaki sa kanya.

Baka Bet Mo: Rendon Labador boldyak na naman kay Cristy Fermin: ‘Unang-una walang naghahanap sa kanya, maraming maligaya na nawala siya’

“Ako ay nagpapasalamat at hindi ako binola ng aking mga magulang, inihanda nila ako sa totoong buhay. MARAMING SALAMAT.

“Ngayon ay nag karoon na ako ng boses, gagamitin ko ito para ipaglaban ang mga taong hindi kayang tumindig para sa mga sarili nila! #BosesNgBayan (bandera ng Pilipinas),” pahayag pa ni Rendon.

Mensahe pa niya, “Sa mga kabataan na malalambot at palamunin, yung mga batang puro asa lang sa mga magulang….

“Mag isip isip na kayo dahil tae lang kayo kapag wala kayong narating sa buhay #stayMotivated #LabLabLabador,” ang bahagi pa ng FB post ng binata.

Samantala, sa interview kamakailan ng broadcast journalist na si Anthony Taberna o Ka Tunying kay Rendon ay inamin nitong sa lahat ng nakabangga niyang celebrities ay si Vice Ganda ang pinaka-“SAKALAM”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Isa si Rendon sa mga nanawagan sa Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB na parusahan sina Vice Ganda at Ion Perez dahil sa “icing scandal” na kinasangkutan ng mga ito.

Baka Bet Mo: Rendon Labador ayaw tantanan si Joey de Leon: ‘Tikom mo na bibig mo at mag-focus ka na lang sa trabaho mo…move on’

Sa panayam ni Ka Tunying, ipinakita nito kay Rendon ang litrato ng mga personalidad na binanatan niya sa social media.

Sey ng socmed influencer, ang Kapamilya TV host-comedian daw para sa kanya ang pinakamalakas dahil talagang nag-mass report daw ang fans ni Vice para matanggal ang kanyang social media platforms kabilang na ang Facebook.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Okay na kami niyan, nag-apologize na ‘ko,” ang chika ni Rendon. “Kasi na-mass report ako eh, dati naman hindi eh. Pero wala naman akong personal na galit. Siyempre gusto ko rin mag-apologize sa kaniya. Walang personalan brader ah.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending