Abegail Rait natalo sa barangay elections, Rendon Labador humirit: 'Hindi ka pa nananalo pero nagtago ka na agad sa loob ng 15 years' | Bandera

Abegail Rait natalo sa barangay elections, Rendon Labador humirit: ‘Hindi ka pa nananalo pero nagtago ka na agad sa loob ng 15 years’

Ervin Santiago |November 02,2023
facebook
share this

Abegail Rait natalo sa barangay elections, Rendon Labador humirit: ‘Hindi ka pa nananalo pero nagtago ka na agad sa loob ng 15 years’

Ervin Santiago - November 02, 2023 - 12:11 PM

Abegail Rait natalo sa barangay elections, Rendon Labador humirit: 'Hindi ka pa nananalo pero nagtago ka na agad sa loob ng 15 years'

Gaile Francesca Rait, Abegail Rait at Rendon Labador

NATALO ang nagpakilalang karelasyon noon ni Francis Magalona na si Abegail Rait sa katatapos lamang na Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) elections.

Tumakbo si Abegail bilang kagawad sa Brgy. Toclong 2-B Imus, Cavite, sa BSK na ginanap nitong nagdaang Lunes, October 30, pero hindi nga siya pinalad na manalo.

Sa mga hindi pa masyadong aware, si Abegail ang lumantad sa isang YouTube  vlog at ibinandera ang dati umano nilang relasyon ng namayapang OPM legend na si Francis M.

Ayon pa sa dating flight attendant, nagkaanak din sila ng Master Rapper na pinangalanan nilang Gaile Francesca na ngayon ay 15 years old na at papasok na rin sa mundo ng showbiz.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, mismong si Abby na ang nagbalita na hindi siya pinalad na manalo bilang kagawad sa kanilang lugar. Pangwalo raw siya sa naganap na bilangan.

Sabi ni Abegail sa kanyang FB post, “It is with humble appreciation to all the supporters who fought for us a good battle and rest assured that we are one in serving goodwill with earnest effort to find ways to make our better community to come together.”

Baka Bet Mo: Aktor napikon nang matalo sa isang award-giving body: Bakit? E, mas magaling naman ako!

All-out naman ang support ni Gaile sa pagsabak ng kanyang ina sa mundo ng politika. Sa kanyang Facebook account, may ipinangako pa siya kay Abegail.

Kalakip ng litrato nilang mag-ina ang kanyang caption na, “We wont close the book but will turn the page and begin new chapter together. I love you Mommy!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kamakailan ay naging national issue nga ang paglantad ng mag-inang Abegail at Gaile sa vlog ng content creator na si Boss Toyo. Dito nga nila ibinandera ang pagkakaugnay nila kay Francis M.

Baka Bet Mo: Julius Babao walang nakuhang ‘resibo’ kung tunay na anak ni Francis M si Gail Francesca; Abegail Rait tumatakbong kagawad

Wala namang narinig na kahit ano ang publiko mula sa pamilya ng actor-rapper at TV host matapos ang pasabog na rebelasyon ng umano’y nakarelasyon noon ni Francis.

Sumakabilang-buhay si Francis noong March 6, 2009 dahil sa acute myeloid leukemia.

Samantala, may banat naman ang social media personality na si Rendon Labador kay Abegail matapos itong matalo sa eleksiyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kanyang FB page, ipinost niya ang poster ni Abegail at nagkomento ng, “Mahirap hagilapin ang mga pulitiko kapag nanalo na, Ikaw nga hindi ka pa nananalo pero nag tago ka na agad sa loob ng 15yrs.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending