Julius walang 'resibo' na tunay na anak ni Francis M si Gail

Julius Babao walang nakuhang ‘resibo’ kung tunay na anak ni Francis M si Gail Francesca; Abegail Rait tumatakbong kagawad

Reggee Bonoan |October 27,2023
facebook
share this

Julius Babao walang nakuhang ‘resibo’ kung tunay na anak ni Francis M si Gail Francesca; Abegail Rait tumatakbong kagawad

Reggee Bonoan - October 27, 2023 - 08:51 AM

Julius Babao walang nakuhang 'resibo' kung tunay na anak ni Francis M si Gail Francesca; Abegail Rait tumatakbong kagawad

Julius Babao, Abegail Rait, Gail Francesca Rait

“E, HINDI naman daw sila maghahabol (kay Pia Arroyo-Magalona) kaya nila ibinenta ang Jersey ni Francis (Magalona) ay para makatulong kay Francesca,” ito ang sagot sa amin ni Julius Babao nang magkita kami sa hallway ng TV5 nitong Miyerkules ng gabi kasama ang asawang si Tintin Bersola-Babao.

Tinanong kasi namin si Julius kung talagang anak ng namayapang Master Rapper na si Francis si Gail Francesca Rait at bakit nila ibinenta ang nag-iisang souvenir nito?  Hindi ba dapat i-cherish ito ng anak niya lalo’t ito lang pala ang tanging naiwang alaala sa kanya?

At sabi nga ni Julius ay makakatulong daw kay Gail Francesca ang pinagbentahan ng jersey na umabot sa P500,000.  Walang binanggit ang hubby ni Tintin kung saan ito gagamitin.

Ano ang resibong hawak ni Abegail Rait na ina ni Gail para masabing anak nga ni Kiko ang bagets.

Baka Bet Mo: Pakiusap ni Gaile Francesca sa mga anak ni Francis Magalona: ‘I hope you accept me, I don’t have bad intentions’

“Kamukhang-kamukha talaga tinanong ko ‘yung birth certificate, e, hindi naman daw Magalona ang gamit nu’ng anak at hindi rin pumirma si Francis,” kaswal na sabi ni Julius sa amin.

Hirit namin na mahihirapan ang mag-ina sa kini-claim nila dahil ang uso ngayon para mapaniwala ang publiko ay latagan ng resibo, e, paano ‘yan wala naman palang pirma si Kiko sa birth certificate.

Isa pa raw nakagulo sa sitwasyon ay nu’ng sumawsaw si Robby Tarroza na sinabi nitong hiwalay na sina Francis at Pia nang pumasok sa buhay niya si Abegail at hindi rin kasal ang dalawa dahil may naunang marriage ang ina ng mga anak ni Kiko.

“’Yun nga, e, kung hindi raw annulled ang kasal ni Pia sa una, hindi valid ang kasal nila ni Kiko sa Hongkong, according to Atty. Lorna Kapunan, therefore kung hindi nga, technically ‘single’ si Francis?” sabi pa ni Julius.

Nakuwento rin ni Julius na napakaraming basher ng mag-inang Abegail at Gail Francesca at naawa siya sa bata.

Katwiran namin na timing din naman kasi na papasok pala ng showbiz si bagets tapos ‘yung inang si Abegail ay kumakandidato palang Kagawan sa lugar nila.

“Oo nga, eh, tapos na ‘yung interview nu’ng nalaman kong kumakandidato siya,” kaswal na sabi usa sa host ng Julius and Tintin Youtube channel.”

Napaisip kami pagkatapos naming mag-usap ni Julius na baka kaya ibinenta ni Abegail ang kaisa-isang jersey ni Kiko ay dahil baka gagamitin niya ang napagbentahan sa kanyang kandidatura sa lugar nila.

Bukas naman ang BANDERA sa panig ni Abegail.

Related chika:

Francis M may huling habilin kay Joey De Leon, may kinalaman kaya sa paglantad ng mag-inang Gail Francesca, Abegail Rait?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Francis M jersey na ibinenta ni Abegail Rait, binibili ng P2.5-M kay Boss Toyo?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending