Aktor napikon nang matalo sa isang award-giving body: Bakit? E, mas magaling naman ako! | Bandera

Aktor napikon nang matalo sa isang award-giving body: Bakit? E, mas magaling naman ako!

Reggee Bonoan |February 27,2022
facebook
share this

Aktor napikon nang matalo sa isang award-giving body: Bakit? E, mas magaling naman ako!

Reggee Bonoan - February 27, 2022 - 05:00 PM

Hula, hula, hula na!!!

PIKON at hindi matanggap ng male celeb na natalo siya ng kapwa aktor sa isang “kategorya” dahil dedma na siya sa mga miyembro ng award giving body na rati naman ay nakakabatian niya.

Expected kasi ng kilalang aktor na mananalo siya sa nasabing kategorya pero na-Luz-Valdez (read: natalo) kaya nanggagalaiti siya sa galit. At nakapagsalita siya sa kaibigang aktres ng, ‘bakit ako natalo? Mas magaling naman ako.’”

Nataon naman ang aktres ay may kakilalang miyembro sa award giving body at naikuwento niya ito na ipinarating naman sa buong miyembro na bumoto para sa mga nanalo.

Ang sikat na aktor ay mabait naman kaso kapag hindi niya nakukuha ang gusto ay nagtatanim pala ito ng galit bagay na ikina-off ng mga miyembro.

Pero hindi naman galit ang mga miyembro, in fact ay pinagtawanan lang nila ang sikat na aktor na “cry baby” pala.

“Sabi niya magaling siya? E, kung magaling siya bakit hindi siya nanalo? Iba-iba ang taste ng mga botante saka ang tunay na magaling, hindi pikon at hindi mayabang,” sabi ng source namin.

Sa kasalukuyan ay walang balita sa kilalang aktor dahil wala siya sa sirkulasyon ngayon pero ang dinig namin ay may inaayos siyang problema.

* * *

Matapos sumabak sa harapang nominasyon at “ligtask challenge,” limang adult housemates ang napabilang sa opisyal na listahan ng mga nominado sa “PBB Kumunity Season 10” Adult Edition. 

Sina Gin Regidor, Isabel Laohoo, Kathleen Agir, Roque Coting, at Zach Guerrero ang mga nalagay sa alanganin matapos silang mabigo sa ginawang “ligtask challenge,” habang nagtagumpay naman sina Laziz Rustamov at Michael Ver Comaling na maligtas ang mga sarili.  

Samantala, nauna namang magpaalam noong Sabado (Peb. 19) sa “PBB” sina Basti at Jaye Macaraan. Nakakuha ang magkapatid mula Italy ng 10.07% at 2% na combined scores ng vote to save at evict, habang niligtas naman ng outside world sina Zach (16.88%), Kathleen (12.53%), at Gin (11.37%).  

Nabalot din ng kalungkutan ang bahay ni Kuya dahil bigo ang adult housemates sa kanilang weekly task na maging drag queens. Nakamit nila ang 95% na score mula sa judges, pero 23.37% lang ang nakuha nilang score mula sa Kumunity kaya 69.8% lamang ang kanilang total score.  

Gayunpaman, naging “pasavogue” naman ang performances ng dalawang grupo sa kanilang choreography ng awiting “Amakabogera” ng “PBB” Season 7 Big Winner na si Maymay Entrata.  

Kinilig din ang viewers dahil sa pag-amin ni Seham Daghlas na crush niya si Zach. Nagulat naman ang binata sa pagiging tapat ni Seham.  

“Nakakatuwa na there’s someone here inside na nagsabi, na naglakas ng loob, brave na kayang sabihin ‘yung mga ganoong salita,” giit ni Zach kay Kuya. 

Pero mukhang nagbago na ang ihip ng hangin dahil napag-usapan nina Michael Ver at Seham na hinahangaan nila ang isa’t isa.    

Ano pa kayang plot twist ang mangyayari? Tutok lang sa “PBB Kumunity Season 10” Adult Edition sa Kapamilya Channel at iba pang platforms tuwing 5:45 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes at ang replay nito tuwing 11:10 p.m. ng gabi. 

Eere naman ito tuwing 7 p.m. kada Sabado at Linggo. Samantala, mapapanood ang 24/7 livestream ng “PBB Kumunity” sa Kumu. 

https://bandera.inquirer.net/291311/mommy-dionisia-kay-pacquiao-ngayong-natalo-siya-magretiro-na-siya

https://bandera.inquirer.net/285771/dingdong-kay-zia-para-siyang-old-soul-ang-mga-gusto-niya-beatles-elvis-prestley

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/286274/pasabog-na-body-shot-nina-sharon-at-marco-trending

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending