Super sikat na female star walang kuwentang endorser, hindi na ni-renew ang kontrata sa isang kumpanya Bandera

Super sikat na female star walang kuwentang endorser, hindi na ni-renew ang kontrata sa isang kumpanya

Reggee Bonoan |December 04,2022
share this

Super sikat na female star walang kuwentang endorser, hindi na ni-renew ang kontrata sa isang kumpanya

Reggee Bonoan - December 04, 2022 - 07:08 PM
Super sikat na female star walang kuwentang endorser, hindi na ni-renew ang kontrata sa isang kumpanya

Guess, guess who!? Ma-gets n’yo kaya kung sino siya?

“KONTING kibot may presyo, e, kasama naman sa kontrata ‘yung appearances sa mga events.  Nanghihingi ng additional talaga!”

Ito ang malungkot na kuwento ng aming source tungkol sa isang super sikat na artista.

Aniya, kinuha nila ang kilalang artistang babae para sa isang produktong high-end at maayos naman daw kausap ang handler nito at nakasaad din sa kontrata ang mga gagawin at appearance nito.

Pagpapatuloy ng aming source, “Okay lahat, ang bait ngang kausap ni _____ (super sikat na female star) at ng handler, lahat oo. In our end tuwang-tuwa kami kasi madali silang kausap kahit ganu’n na ang estado nila sa industry, So, feeling jackpot kami talaga.”

Nang ipi-pictorial na at sinabi na ‘yung unang gagawin at appearance ng super sikat na artistang babae ay medyo na-shock na ang aming source.

“Kasi alam namin kasama sa contract, e, nanghihingi ng additional pay like transpo allowance and toll fees, glam team at ‘yung food na gusto nila.

“Sabi namin ‘yung glam team okay pay na lang namin, pero iba pa ‘yung sa make up artist, di ba pag sinabing glam team isang set na?  Bakit hiwalay?

“’Yung transpo at toll fees, di ba sagot na nila. Kami pa rin ba?  Hindi ba kasama ‘yun sa napakalaking talent fee na ask nila?” hinaing ng aming source.

Isang taon ang kontrata ng super sikat na artistang babae sa high-end product at apat na beses siyang dadalo sa special events at lahat daw iyon ay dusa ang inabot ng aming source.

Kaya nang matapos ang kontrata nito, “Salamat at tapos na. Hindi rin happy si client sa kanya kaya hindi na siya ni-renew.”

Tsinek namin ang social media account ng super sikat na artistang babae at hindi pala talaga consistent ang posting niya, may magkasunod na linggo at buwanan naman ang iba.

P200M nga ba na kontrata ang dahilan kaya naging Kapuso si Bea?

Pia sa netizen na nawalan na ng confidence dahil hindi pumapayat: You are beautiful!

Kris nang matapos ang kontrata sa GMA: ‘Sige, kahit babaan n’yo na ang TF ko, kahit magkano lang po’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending