Apollo Quiboloy ‘wanted’ sa FBI, dalawa pang miyembro pinaghahahanap rin
WANTED ngayon ang Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder at pastor na si Apollo Carreon Quiboloy sa US Federal Bureau of Investigation (FBI).
Kahapon, February 4, ay inilabas ang naturang wanted order.
Maliban sa pastor ay pinaghahahanap rin sina Teresita Tolibas Dandan at Helen Panilag na miyembro rin ng kanyang sekta.
Ayon sa nakalagay sa wanted order mula sa FBI, “Apollo Carreon Quiboloy, the founder of a Philippines-based church, is wanted for his alleged participation in a labor trafficking scheme that brought church members to the United States, via fraudulently obtained visas, and forced the members to solicit donations for a bogus charity, donations that actually were used to finance church operations and the lavish lifestyle of its leaders.
“Members who proved successful at soliciting for the church allegedly were forced to enter into sham marriages or obtain fraudulent student visas to continue soliciting in the United States year-round.”
“Furthermore, it is alleged that females were recruited to work as personal assistants, or ‘pastorals,’ for Quiboloy and that victims prepared his meals, cleaned his residences, gave him massages, and were required to have sex with Quiboloy in what the pastorals called ‘night duty.’”
Dagdag pa sa nakasulat sa inilabas na wanted order, “If you have any information concerning this person, contact your local FBI office or the nearest American Embassy or Consulate.
View this post on Instagram
Matatandaang noong Nobyembre -9, 2021 ay inanunsyo ng U.S. prosecutors na sinampahan nila ng kasong sex trafficking si Quiboloy ang ang iba pang miyembro ng kanyang simbahan dahil sa diumano’y pang-aabuso ng mga ito sa mga kababaihan na may edad mula 12 hanggang 25.
Sinubukan naming kunin ang panig ng pastor ngunit wala pa rin itong tugon sa ngayon.
Si Quiboloy ay kilala bilang spiritual adviser at isa sa mga matalik na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Related Chika:
Pastor Quiboloy sinampahan ng kasong sex trafficking sa Amerika
Daniel, Angel matapang na nagkomento ukol kasong sex trafficking ni Quiboloy
Babala ni Quiboloy sa mga bumabanat sa kanya: Makikita n’yo ang mas matindi pa sa Omicron virus
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.