Daniel, Angel matapang na nagkomento ukol kasong sex trafficking ni Quiboloy | Bandera

Daniel, Angel matapang na nagkomento ukol kasong sex trafficking ni Quiboloy

Therese Arceo - November 19, 2021 - 05:50 PM

Daniel, Angel matapang na nagkomento ukol kasong sex trafficking ni Quiboloy

HINDI na nagpaawat ang sikat na aktor na si Daniel Padilla sa pagkukomento ukol sa kasong sex trafficking ng pastor na si Apollo Quiboloy, founder ng Philippine-based church sa Davao at malapit na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Huwebes, Nobyembre 18, nang ianunsyo ng US prosecutors ang sex-trafficking charges laban kay Quiboloy pati na rin sa iba pang mga opisyal ng kanyang simbahan dahil sa umano’y pang-aabuso ng mga ito sa mga kababaihan edad 12 hanggang 25.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Inquirer (@inquirerdotnet)

“Isa isa nang tinatawag ni Satanas,” ito ang matapang na komento ni Daniel sa post ng ABS-CBN News.

Umani naman ang aktor ng samu’t saring papuri mula sa mga netizens.

Marami rin ang sumabg-ayong netizens sa naging comment ni Daniel.

“Tama ka po. Ngayon na ang panahon. Kulang pa ang isang death penalty sa kanya at sa katulad nya. Can’t even find a word to describe him.”

“Daniel woke up and choose to speak facts.”

“Correct. Karma is real. Ikulong na yan.”

Ilan lang ito sa mga reaksyon ng netizens sa pahayag ni Daniel ukol sa kaso ni Quiboloy.

Maging ang Kapamilya star na si Angel Locsin ay nag-comment rin sa balitang ito.

Nanawagan naman si Angel na bigyang proteksyon ang mga biktima na hindi nangiming magsalita at isiwalat ang mga maling ginagawa nila Quiboloy.

“Minor=rape. Sana maprotektahan agad yung mga naglakas loob na magsalita,” saad naman ni Angel.

Related Chika:
Hamon ni Neil sa public official na nang-insulto kay Angel: Kung matapang ka talaga kita tayo, lalake sa lalake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending