Pastor Quiboloy sinampahan ng kasong sex trafficking sa Amerika
Sinampahan ng kasong sex-trafficking sa Amerika si Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon sa pahayag ng US prosecutors, ginagamit ni Quiboloy ang mga batang babae para makipagtalik sa kanya.
Nakasaad pa sa 74 pahinang indictment charges na may pinatatakbong sex-trafficking operation ang kampo ni Quiboloy at pinagbantaan ang mga batang babae na nag-eedad ng 12 anyos.
Kasama sa asunto ang dalawang US-based church administrator.
Wala pa namang pahayag ang kampo ni Quiboloy sa naturang isyu.
Si Quiboloy ay matalik na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.