Alessandra de Rossi kinilala sa Italy, pang-international na

Alessandra de Rossi pang-international ang aktingan, kinilala sa Italy

Pauline del Rosario - August 09, 2024 - 04:36 PM

https://www.instagram.com/p/C9oHNiihzmm/?img_index=2

PHOTO: Instagram/@msderossi

IBANG level at pang-world class ang veteran actress na si Alessandra de Rossi!

Dahil ang kanyang talento sa pag-arte ay nabigyan ng pansin sa Italy kung saan tumanggap siya ng award recently.

Ayon sa city hall ng bayan ng Martano, ito ay dahil sa kanyang “excellent professional results achieved at an international level in the cinematographic world.”

Sa Instagram, proud na ibinandera ng award-winning actress ang ilang pictures ng pagtanggap niya ng “plaque of recognition” mula sa Italian officials.

Baka Bet Mo: Alessandra de Rossi kay Empoy: Pasensya ka na, hindi kita mahal

Makikita na kasama niya sa special event ang kanyang Italian father na si Luigi Schiavone at ang kapatid na aktres na si Assunta.

Caption niya, “Thank you, @comunemartano, for the recognition. See you next time. Thanks for everything.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alessandra De Rossi (@msderossi)

Ilan lamang sa mga nagpaabot ng “congratulatory” messages sa award-winning actress ay sina Sandy Andolong, Eugene Domingo, Dolly de Leon, Donita Rose, at marami pang iba.

“Congratulations, kung ano pa man ibig sabihin. Basta, you deserve it!!!” sey ni Sandy.

Komento naman ni Eugene, “CONGRATULAZIONI!!! [red heart emoji] eto naaa”

Kung matatandaan, nag-umpisang sumikat at makilala si Alessandra nang gumanap siyang “Valentina” sa TV series na “Darna” noong 2005 kung saan bida ang aktres na si Angel Locsin.

Taong 2017 nang bumida naman siya sa blockbuster romantic comedy movie na “Kita Kita” katambal si Empoy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maaalalang naging “highest-grossing Filipino independent film of all time” ang pelikula na kumita ng halos P300 million sa takilya.

Pagkatapos niyan ay sunod-sunod na ang naging proyekto niya, kabilang na ang “Firefly,” “Replacing Chef Chico,” “Walang KaParis,” at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending