Empoy Marquez agaw-eksena sa Angeline-K Brosas concert | Bandera

Empoy Marquez agaw-eksena sa Angeline-K Brosas concert

Reggee Bonoan |July 16,2019
facebook
share this

Empoy Marquez agaw-eksena sa Angeline-K Brosas concert

Reggee Bonoan - July 16, 2019 - 12:10 AM

EMPOY MARQUEZ

“More, more, more!” Ito ang isinisigaw ng mga nanood ng “Angeline K To, Concert Namin ‘To” na ginanap sa Araneta Coliseum last Friday, pagkatapos ng production number ni Empoy Marquez.

Ito kasi ang unang beses na napanood ang comedian na kumanta and take note, may boses pala siya, ha!

Bagama’t hindi naman siya biritero pero nakakasabay siya sa tono at higit sa lahat, may charm talaga siya sa entablado.

Kuwela ang pagpasok niya sa stage nang ipakilala siya bilang leading man sa pelikulang “Kita Kita” kasama si Alessandra de Rossi.

Nag-ala Richard Yap kasi ang komedyante habang kumakanta si Angeline Quinto ng “Please Be Careful With My Heart”. Pumasok si Empoy sa part na laging kinakanta ni Ser Chief kapag may promo sila ni Jodi Sta. Maria bilang si Maya.

Hiyawan ang lahat ng tao sa loob ng Big Dome at nang akmang haharap naman si Empoy kay K Brosas ay umiwas ang huli at kay Angeline humarap. Benta-bentang ang eksenang ‘yun, huh!

Hanggang sa naiwan na si Empoy sa stage para sa spot number na “Beautiful Girl” kung saan kinantahan niya si Vice Ganda na nasa harap ng stage at saka gumiling sabay sabi sa katabing rumored boyfriend na si Ion Perez, na huwag magselos sa kanya.

Iisa ang narinig naming sabi ng mga katabi namin habang ipinakita si Vice sa monitor, “Ang ganda ni Vice, blooming.”

At nang matapos ang kanta ay nagsigawan na ang mga tao ng “More!” kay Empoy dahil nag-enjoy sila sa aktor. Sa totoo lang, bitin ang lahat sa guesting ng komedyante sa concert nina K at Angeline.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending