Susan Enriquez sa pagpanaw ni Mike Enriquez: Parang iniisip ko, fake news na naman ito | Bandera

Susan Enriquez sa pagpanaw ni Mike Enriquez: Parang iniisip ko, fake news na naman ito

Therese Arceo - August 31, 2023 - 07:29 PM

Susan Enriquez sa pagpanaw ni Mike Enriquez: Parang iniisip ko, fake news na naman ito

AMINADO ang mamamahayag na si Susan Enriquez na hindi siya agad naniwala noong makatanggap ng mensahe na pumanaw na ang beteranong news anchor na si Mike Enriquez.

Sa kanyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” para sa tribute sa namayapang kaibigan, natanong siya kung ano ang una nilang reaksyon matapos malaman ang nakalulungkot na balita.

Pagbabahagi ni Susan, “Andoon ako sa baba getting ready for ‘Dapat Alam Mo’, mayroon kaming isang group chat na biglang merong pinost na picture ni Sir Mike. So pag[tingin ko], parang inisip ko, fake news na naman ito.

“Parang ganoon ang tumakbo sa isip ko pero siyempre pagkabalik ko medyo ano na, naba-validate na totoo nga. Hindi ko lubos maisip kung totoo na nga ba ‘yun. Parang indenial ka kung totoo na nga ba ‘yung balitang ‘yun.”

Nabanggit rin ni Susan na ang work ethics nito ang legasiyabg babaunin at hindi nito malilimutan.

“Kapag nagkakausap kami dyan kasi nagkakasama kami sa remote coverages… lagi niyang sinasabi na ‘Always give [your] hundred percent’. Not 99 but hundred percent,” paglalahad niya,” sabi pa niya.

Baka Bet Mo: GMA nagluluksa sa pagpanaw ni Mike Enriquez, Mel Tiangco napaiyak: ‘His dedication to the industry will serve as an inspiration to all’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Inalala rin ni Susan ang ilan pang mga katangian ni Mike na hindi alam ng mga tao maging ang kanyang kabaitan sa mga katrabaho.

“Alam mo ‘yung hindi suguro alam ng mga tao, napaka-koboy ni Sir Mike. Kapag kasama mo ‘yan sa mga remote coverages, ang hilig niyang bumili ng street food. ‘Yung mga inihaw na pusit, mani.

Ang hilig hilig niya. Parang hindi mo siya poproblemahin when it comes to food kasi parang lahat… kakainin niya. Hindi siya maselan sa pagkain,” masayang pagbabaliktanaw ni Susan.

Dagdag pa niya, madali raw lambingin si Mike at madalas itong manlibre ng pagkain.

“Madali siyang kantiyawan. ‘Sir, pizza.’ [Sasagot ‘yun ng] ‘Ilan?’ Ganoon siya. Napaka-generous niya lalo na pagka sa mga kasama niya sa work,” natatawang kuwento ni Susan.

Ngunit pagdating raw sa trabaho ay very articulate ito at istrikto dahil gusto nito na maganda at tama ang ibinabahagi sa publiko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Puri pa ni Susan, “Pantay pantay ang tingin niya sa tao, mataas [man o] mababa… Siyempre Mike Enriquez yan. People are screaming kapag nakikita siya. Talagang kapag ‘Mike, Mike, pa-picture’, wala siyang hinihindian kapag kaya rin lang naman. Pareho ang tingin niya sa tao, mataas mababa, pare-pareho tingin niya.”

Related Chika:
Gary V, Jaya, Kaladkaren nakiramay sa pagpanaw ni Mike Enriquez, Igan nagluluksa rin: ‘Sabi mo, walang iwanan! Ang daya mo!’

Connie Sison sa pagpanaw ni Mike Enriquez: I only have good memories of you

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending