Mike Enriquez pumanaw na sa edad 71 | Bandera

Mike Enriquez pumanaw na sa edad 71

Ervin Santiago - August 29, 2023 - 08:00 PM

Enriquez

Mike Enriquez

SUMAKABILANG-BUHAY na ngayong araw ang batikan at premyadong broadcaster at news anchor ng GMA 7 na si Mike Enriquez. Siya ay 71 years old.

Kinumpirma ang malungkot na balita ngayong gabi sa ulat ng “24 Oras” ng GMA 7. Wala pang binanggit kung ano ang naging sanhi ng kanyang pagpanaw.

Magugunitang pansamantala munang namaalam ang isa sa mga news pillar ng GMA network para sa kanyang kidney transplant taong 2021.

Naging matagumpay naman ang surgery noong December, 2021 ngunit kinakailangan pa niyang magpahinga ng tatlong buwan para masigurado na fully recovered na siya.

At sa loob ng tatlong buwang pamamahinga niya ay aminado siyang nakapagmuni-muni siya. Aniya, nagkaroon siya ng “serious look” sa kanyang buhay at career.

“I’m not yet finish with the process. It’s still ongoing for me. It’s about my future, my career, my life.

“Ano bang gusto ko talagang mangyari sa buhay ko? Is it tine to turn off thr microphone? It it time to not turn ofc the microphone completely but to lessen the work, mga ganu’n ba?”

Pero sabi ni Mike na hindi pa siya nakakapagdesisyon at nasa proseso pa lamang siya ng pagpapasya.

“Sometimes, sasabihin n’yo, ‘Ayoko na,’ or ‘Time to pack up and move on’, tapod after a while, move back na naman. I’m still in the process,” ang sabi pa noon ni Mike.

Baka Bet Mo: Premyadong aktres ayaw nang makatrabaho ang dating sikat na aktor na masyadong proud sa sarili

Kasunod nga nito, ay muling nagpaalam sa ere si Mike upang ipagpatuloy ang kanyang pagpapagamot at mula nga noon ay hindi na bumalik sa trabaho ang premyadong news anchor.

Isa si Mike sa mga anchor ng flagship newscast ng GMA 7 na “24 Oras” at naging host din sa radio program na “Saksi sa Dobol B.” Naging host din siya ng tinaguriang “sumbungan ng bayan” na “Imbestigador”.

Naging consultant din siya for radio operations ng GMA Network, at president ng regional and radio subsidiary, RGMA Network Inc., at Station Manager ng Super Radyo DZBB.

Nagwagi rin ng napakaraming awards ang pumanaw na news anchor kabilang na ang 10 Best Newscaster sa Star Awards for TV  Philippine pati na rin ang isang Lifetime Achievement Award.

Narito ang iba pang awards na natanggap ni Mike: Best Newscaster award at the Asian Television Awards (Singapore, 1999); gold medal sa New York Festivals (2003 for Saksi); at Silver Camera Award sa 2004 US Film and Video Festival in Hollywood para sa kanyang documentary tungkol sa Iraq.

Bukod diyan, itinanghal din siya bilang 1999 Golden Dove Awards Best Male Newscaster at 1999 Ka Doroy Valencia Broadcaster of the Year Award.

Kilala rin si Mike bilang “Booma” sa industriya ng pamamahayag. Siya rin ang nagpasikat sa mga katagang, “Excuse me po!”, “Hindi ko kayo tatantanan!”, at “Naloko na!” na kairaniwan niyang nababanggit kapag siya’y nagbabalita.

Julius Babao lumipat sa TV5 hindi dahil sa malaking telent fee: It’s not about money…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaladkaren emosyonal sa pagiging unang trans newscaster sa Pinas: ‘Sana mapanood ito ng mga batang katulad ko’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending