Emil Sumangil sa mga nagsasabing siya na ang next Mike Enriquez: 'Parang suntok sa buwan...malayo po' | Bandera

Emil Sumangil sa mga nagsasabing siya na ang next Mike Enriquez: ‘Parang suntok sa buwan…malayo po’

Ervin Santiago - May 04, 2023 - 08:06 PM

Emil Sumangil sa mga nagsasabing siya na ang next Mike Enriquez: 'Parang suntok sa buwan...malayo po'

Emil Sumangil at Mike Enriquez

FEELING ng mga Kapuso viewers, ang broadcast journalist at TV host na si Emil Sumangil ang ginu-groom ng GMA 7 bilang next Mike Enriquez.

Si Emil ang napiling host ng pinakabagong sumbungan ng bayan sa Kapuso Network na magsisimula na ngayong Linggo, May 7, ang “Resibo: Walang Lusot Ang May Atraso.”

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nasabi ng mga televiewers at netizens na si Emil na nga ang susunod sa mga yapak ni Mike na nakilala rin bilang takbuhan ng mga naaagrabyado at inaapi.

Ilang taon na ring hindi napapanood si Mike sa GMA na nakilala nang bonggang-bongga sa programa niyang “Imbestigador”. Ito’y dahil na rin sa kanyang health condition.

Sumailalim sa kidney transplant si Mike Enriquez ilang taon na ngayon ang nakararaan at pagkatapos ng operasyon ay nagbalik din siya sa trabaho bilang host at news anchor.

Ngunit makalipas lamang ang ilang buwan ay muli itong nagpaalam sa kanyang mga programa para mag-rest muna.

Sa naganap na presscon ng “Resibo” nitong nagdaang Miyekules (May 3), natanong nga ang tinaguriang “Mr. Exclusive” kung ano ang reaksyon niya sa mga nagsasabing siya na ang napili ng GMA para maging next Mike Enriquez.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl)


“Parang suntok sa buwan eh. Malayo. Hindi po yata natin kayang pantayan or higitan si Mike Enriquez. Binigyan po ako ng platform ng GMA para ipakita ko naman yung aking kakayahan.

“Dito ko pagsusumikapan ibigay ang aking nalalaman kung paano ako makakatulong sa Diyos at bayan. Ginagawa po namin ang aming trabaho na walang halong personal interest. Ang storyang gagawin po namin ay hindi para sa  amin kundi para sa taong bayan para makapaghatid ng public service,” sabi pa ng host ng bagong takbuhan ng publiko na “Resibo: Walang Lusot ang may Atraso.”

Abot-langit ang pasasalamat ng GMA Public Affairs host para sa bagong oportunidad na ipinagkaloob sa kanya,  “Nag-uumapaw at hindi ko maipaliwanag hanggang sa ngayon ‘yung tuwa at ligaya.

“Unang-una sa grasya ng Diyos. Pangalawa, sa tiwala na ibinigay ng opisina natin para pangunahan ang pinakabagong public service program ng GMA Network.

“Ano ang gagawin kong sukli? Gagawin ko ang aking papel. Public service. Walang pansariling interes,” ang pahayag pa ng veteran broadcaster.

Baka Bet Mo: Willie naglabas ng resibo, hindi totoong titigbakin ang Wowowin: ‘Abangan niyo kung ano ang katotohanan!’

Sabi pa ni Emil, talagang personal siyang sasama sa field para maharap ang mga reklamo at hinaing ng mga kababayan natin sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Bukod dito, makikipagtulungan din ang programa sa mga ahensya ng gobyerno para sa mas mabilis na aksyon, “Hindi lang tayo straight newscast ngayon. Makikita niyo po ako na sasama sa mga tinatawag nilang police operation, sa fieldwork para tugunan ang hinaing ng ating mga kababayan.

“Ako mismo ang mag-eendorso at lalapit sa mga government agencies para sila mismo, ma-feel nila hindi sila nag-iisa sa kanilang problema,” aniya pa.

Isa raw sa mga layunin ng “Resibo: Walang Lusot Ang May Atraso”, ayon kay Emil ay ang pagbibigay-daan para mapakinggan ang mga reklamo at hinaing ng ating mga kababayan, ibunyag ang mga ilegal at maling gawain, at lapatan ng agarang aksyon ang mga problema sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga konkretong solusyon sa mga nararanasan ng mga mamamayang Pilipino, sa loob o labas man ng ating bansa.

Sa unang episode ng programa, bibiyang aksyon ang reklamo sa Taguig City kung saan pinag-aagawan ng dating magkasintahan ang 2-taong gulang nilang anak. Sino nga ba ang mas may karapatan sa kanila para maging magulang ng bata?

Abangan yan sa “Resibo: Walang Lusot Ang May Atraso” na mapapanood tuwing Linggo simula sa May 7, 5 p.m., sa GMA, GTV, at Super Radyo DZBB.

Kelvin Miranda inakusahang ‘cheater’,ex-dyowang si Roselle Vytiaco naglabas ng mga ‘resibo’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Boy Abunda nakipag-usap kay Mike Enriquez matapos pumirma ng kontrata sa GMA; nanawagan kina Heart at Marian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending