Balitang pumanaw na si Mike Enriquez…fake news: ‘Buhay na buhay pa ‘ko’
“FAKE news!” Yan ang paglilinaw ng kampo ng veteran Kapuso broadcaster na si Mike Enriquez matapos kumalat sa social media ang balitang namatay na siya.
Dalawang celebrities ang nag-post ng balitang pumanaw na raw ang news anchor ngayong araw, November 10 — ang singer na si Richard Merck at ang veteran character actress na si Loly Mara.
Ang nakalagay sa Facebook post ni Richard, “Rest in peace Tito Mike. We will all miss you. A great loss to the news industry. Labyu Tito. My sincere condolences to your loving family and friends. Enjoy the company of our dear creator in heaven.”
Binura naman agad ng OPM artist ang kanyang FB post nang malamang buhay na buhay pa si Mike.
Sa Facebook page naman ni Loly Mara, na kaibigan daw ng asawa ni Mike, nakasulat ang mensaheng, “This photo with Mike Enriquez and his wife was taken 3yrs ago at Nora Trajano’s bday. I’m glad I saw Mike after many years and now he’s happy in heaven with the Lord. Rest in peace dear Mike.”
Nang malaman niyang buhay na buhay pa pala si Mike, agad niyang binura ang kanyang post at nag-sorry sa Kapuso broadcast journalist at sa pamilya nito.
“Some persons told me that Mike Enriquez is very much alive! The news I got about his passing was few years ago. Many condoled and no one said otherwise.
“I’m very very sorry if it was a fake news. Forgive me Mike! Sabes que te quiero mucho mi amor (alam mo na mahal na mahal kita my love),” paliwanag ng aktres.
Ayon naman sa mga napagtanungan namin sa GMA Network, buhay na buhay nga si Mike. Ganito rin ang ipinost ng isa pang Kapuso news anchor na si Arnold Clavio sa kanyang social media accounts.
Ayon kay Igan, “Mga minamahal, nakausap ko po si Ama, Mr. Mike Enriquez. Buhay na buhay at ang kanyang mensahe: FAKE NEWS!”
Ilang beses nang nabalitang namatay na raw si Mike na puro fake news naman. Matagal nang hindi napapanood sa ang broadcaster sa mga programa niya sa GMA 7 kaya siguro nabiktima na naman siya ng fake news.
Matatandaang nag-medical leave si Mike matapos sumailalim sa kidney transplant procedure noong December, 2021.
Mike Enriquez nag-viral matapos tawagin si Sharon Cuneta na Helen Gamboa; netizens tawang-tawa
Mike Enriquez successful ang kidney transplant, balik trabaho na
Mike Hanopol tinamaan din ng COVID, pamilya at fans nag-alay ng dasal: Kaya mo yan, laban lang
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.