Arnold Clavio: Totoo ba na ang mga Pilipino ay burara at baboy?

Arnold Clavio: Totoo ba na ang mga Pilipino ay burara at baboy?

Ervin Santiago - January 06, 2025 - 06:10 AM

Arnold Clavio: Totoo ba na ang mga Pilipino ay burara at baboy?

Arnold Clavio

BINARAG ng veteran broadcast journalist at news anchor na si Arnold Clavio ang mga Pinoy na basta na lamang nag-iiwan ng basura kung saan-saan.

Pinuna ni Igan ang sandamakmak na basurang nakolekta mula sa pagse-celebrate ng mga Pinoy sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ng Kapuso news anchor at TV host ang isang video kung saan makikita kung gaano karami ang basurang nagkalat sa pagpasok ng 2025.

Sey ni Igan sa caption, “EHEM: Susmarigundong naman na buhay ire! Bagong taon pero lumang pag-uugali.

Baka Bet Mo: Arnold Clavio inalala si Mike Enriquez: ‘Mananatili ka sa puso ng marami’

“Totoo ba na ang mga Pilipino ay burara at baboy? Kanino na bang pagkukulang ang santambak na basura sa kalye matapos ang pagsalubong sa 2025?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AkosiiGan🤓 (@akosiigan)


“Sa lokal na pamahalaan ba o sa mamamayan?” ang tanong ni Igan.

Patuloy pa niya, “Narinig ko nga eh bago magpasko’t bagong taon ay kasisipag ng mga basurero. Pero ngayon, ayaw nang magparamdam.”

Kasunod nito ang pagbanggit ng beteranong broadcaster sa isyu ng waste management at ang mga nagaganap na katiwalian sa mga local government agency.

“Isa sa pinakamalaking source ng katiwalian ay ang basura o waste management. Lahat ng may hawak ng kontrata pansinin ninyo, halos lahat malapit o kamag-anak ni Mayor!

“Puwede naman na itapon ang basura sa labas ng ating bahay pero dapat ay may maayos na sistema, disiplina at konsiderasyon. Hindi yung basta basta na lamang tinatapon kung saan-saan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tandaan, ang basurang itinapon mo ay babalik sa iyo. Mahalin natin ang ating paligid,” paalala pa niya sa lahat.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending