Mike Hanopol tinamaan din ng COVID, pamilya at fans nag-alay ng dasal: Kaya mo yan, laban lang | Bandera

Mike Hanopol tinamaan din ng COVID, pamilya at fans nag-alay ng dasal: Kaya mo yan, laban lang

Ervin Santiago - June 15, 2021 - 10:05 AM

TINAMAAN din ng COVID-19 ang veteran singer at Pinoy rock icon na si Mike Hanopol.

Kasalukuyang nakikipaglaban sa killer virus ang OPM legend na naka-confine ngayon sa isang ospital sa Rizal.

Balitang isinugod sa ospital si Mike nitong June 10 matapos makaramdam ng ilang sintomas ng COVID-19.

Kasunod nito, bumuhos na ang mga mensahe sa social media para ipagdasal ang beteranong singer kasabay ng panawagan para sa pinansiyal na tulong para sa gastusin niya sa ospital.

Sa Facebook post ng isang nagngangalang Edwin Juatas, na pinaniniwalaang malapit na kaibigan ni Mike, mababasa ang mensahe tungkol sa kundisyon ng singer kasabay nga ng kanyang hiling na taimtim itong ipagdasal.

“Let’s pray for the legend Mike Hanopol …. Father, heal our friend and fellow musician Mike Hanopol of his Covid 19 infection. This I ask in the Name of Our Lord Jesus Christ, Your Son. Amen..kaya mo yan mike….laban lang,” aniya.

Kasunod nito, ibinalita naman ni Edwin nitong nagdaang Sabado na  bumubuti na raw ang lagay ng 75-year-old music icon at nagpasalamat sa lahat ng nagbigay ng suporta at pagmamahal sa singer-composer.

Kamakalawa naman, nag-post din sa Facebook si Edgar H Siscar ng isang video kung saan makikita si Mike na nakahiga sa kanyang hospital bed habang kumakaway at nagpapasalamat sa mga taong nagdasal at tumulong sa kanya.

“Rav MIKE HANOPOL expresses his thanks to everyone for all the prayers and the well-wishes. 

“Let us further pray for his full recovery from COVID-19 for the spread of God’s word, the conversion of souls, the forgiveness of sins, and for the glory of God’s holy name. Praise God for all His goodness. Alleluia. Amen,” ang caption na inilagay ni Edgar sa nasabing video.

Ngayong araw naman, muli itong nag-post ng comment sa kanyang FB post kung saan nabanggit nito ipinagdarasal din nila ang partner ni Mike na tinamaan din pala ng virus.

“We’ll also pray for Rav Mike’s better half who’s also stricken with the same virus, that the Lord God heals them both completely in due time, for the glory of God’s holy name. Amen!” mensahe pa ni Edgar. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Mike Hanopol ay miyembro ng iconic Pinoy rock band na Juan dela Cruz Band na siyang nagpasikat ng  mga classic OPM na “Himig Natin,” “Titser’s Enemy No. 1,”  “Beep Beep” at marami pang iba na tumatak na sa isip at puso ng mga Filipino.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending