Mike Enriquez successful ang kidney transplant, balik trabaho na
NAGBABALIK na ang isa sa mga news pillar ng GMA na si Mike Enriquez matapos ang kanyang mahabang medical leave para sa kanyang operasyon.
“People of the Philippines, I have returned,” ito ang saad ng news anchor na may kalakip na matamis na ngiti habang kino-quote ang isa sa kanyang paboritong heneral noong World War II na si Douglas MacArthur.
Matatandaang noong Disyembre 2021 ay sumailalim si Mike sa isang kidney transplant na kinakailangang ng three-month isolation period.
Ikinuwento naman ng mamamahayag ang kanyang pinagdaanan.
View this post on Instagram
“‘Yung pinagdaanan ko mahirap,” panimula ni Mike.
“Aside from the procedure itself, may three months mandatory isolation period, and the purpose of that is to avoid the rejection and infection. ‘Yung kidney transplant patients, immuno-compromised sila eh. May comorbidities pa ko, senior citizen, diabetic,” pagpapatuloy niya.
Nang tanungin naman si Mike kung ano ang nagtulak sa kanya para ipursige ang pagpapa-transplant ay inamin niyang nais niyang mas gumanda ang kalidad ng kanyang pamumuhay.
“Imagine this, three times a week, sometimes four times a week, I am hooked up to a dialysis machine for four hours. Ask people who undergo dialysis, para kang binugbog ni Manny Pacquiao, physically,” paglalahad niya.
Hindi madali ang proseso ng kanyang pinagdaanan at napakaraming tests ang dapat pagdaanan pero tiniis niya dahil ang mga ganitong bagay ay nangyayari lang “if God wills it so”.
Kaya naman nanatili ang paniniwala at pananampalataya ni Mike sa Maykapal para malagpasan ang lahat ng pinagdaanan.
“You need two things: You need prayer, and you need humor. Kung masyado kang seryoso sa buhay mo, walang mangyayari sayo,” dagdag pa niya.
Simula Lunes, March 28 ay muli nang makikita si Mike Enriquez sa telebisyon at sa kanyang mga shows na “24 Oras”, “Imbestigador”, at maging sa “Super Radyo DZBB”.
Related Chika:
Mike Enriquez sasailalim sa medical procedure kaya mawawala muna sa GMA
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.