Willie naglabas ng resibo, hindi totoong titigbakin ang Wowowin: 'Abangan niyo kung ano ang katotohanan!' | Bandera

Willie naglabas ng resibo, hindi totoong titigbakin ang Wowowin: ‘Abangan niyo kung ano ang katotohanan!’

Ervin Santiago |February 07,2023
facebook
share this

Willie naglabas ng resibo, hindi totoong titigbakin ang Wowowin: ‘Abangan niyo kung ano ang katotohanan!’

Ervin Santiago - February 07, 2023 - 02:53 PM

Willie naglabas ng resibo, hindi totoong titigbakin ang Wowowin: 'Abangan niyo kung ano ang katotohanan!'

Willie Revillame at Toni Gonzaga

NAGLABAS ng “resibo” ang TV host-actor na si Willie Revillame para patunayang hindi matsutsugi ang programa niyang “Wowowin” sa ALLTV Channel 2.

Mariing pinabulaanan ni Kuya Wil ang mga tsismis na titigbakin nang tuluyan ang kanyang variety at public service program na napapanood sa TV Network na pag-aari ng pamilya ni Manny Villar.

Inilabas ni Willie kahapon, February 6, sa “24 Patrol,” ang news segment ng “Wowowin” ang ilang patunay na hindi totoong tatapusin na ang kanyang programa. Isa na nga rito ang ongoing construction sa Wowowin studio na matatagpuan sa Starmall EDSA.

“Pinangungunahan nila ang katotohanan. Kung nagbabasa kayo ng Facebook at YouTube, marami hong nasasabi ang ibang tao pero hindi naman nila alam ang katotohanan.

“Heto ang katotohanan — alam niyo ho ba na ang Wowowin Studio ay nag-meeting na naman kanina?

“Heto po ang latest, minamadali na po yan (Wowowin studio) para magkaroon na tayo ng audience,” pahayag ng TV host.

Mensahe pa niya sa lahat ng kanyang mga tagasuporta, “Maraming salamat sa 24,417,170 na subscribers at followers sa YouTube at Facebook. Hindi pa kasama diyan yung nanonood sa telebisyon.

“From the bottom of our heart, marami pong salamat sa inyong lahat.

“Ang sarap panoorin na may pamilya ka na nabibigyan ng pag-asa. May pamilya na nababago ang buhay dahil sa programang Wowowin at kasama po ang ALLTV.

“Sana ho, marami pa kaming magawang ganito. Sana tuluy-tuloy pa rin ito para ho mas marami pa tayong pamilyang mahihirap na kababayan natin na mabibigyan ho ng kanilang pangarap.

“Hindi ako ang bida rito. Ipinagkaloob ito sa amin ng Panginoong Diyos para makapagbigay ika nga ng saya, kaligayahan. Tutulong na abot-kaya lang naming ibigay,” lahad ni Kuya Wil.

Diin pa niya, “Uulitin po namin, ito po ay mensaheng katotohanan. Dito po sa Wowowin at ALLTV, totoo lang ang sasabihin namin. Maraming mga haka-haka, abangan niyo kung ano ang katotohanan.

“Malalaman niyo naman po yan at ako pa ang unang magsasabi sa inyo. Malalaman ninyo ang totoo. Una sa lahat, ayan po ang studio natin, ginagawa na. Minamadali na po yan.

“Alam niyo, sa totoo lang, marami na ang tumatawag at nagpapa-reserve ng mga lugar sa Starmall para sa mga restaurant.

“Uulitin namin, inaayos po ng ALLTV management ang signal at, of course, ang reach ng programang ito at lahat ng mga programa.

“Sa aking mga kasama dito, huwag kayong mag-alala, hindi tayo pababayaan ng kompanyang ito. Yan po ang mga report namin sa inyo, yan po ang mga katotohanang report, hindi haka-haka.

“Hindi negative! Walang negative dito! It’s always positive. Tandaan niyo po, nandito kami para sa inyong lahat. Kahit ano pa ang sabihin ng iba, hindi namin pinapansin yan,” mariin pa niyang pahayag.

Pagtsugi kay Kim bilang host sa ‘It’s Showtime’, walang katotohanan

John Lloyd muling nakipag-bonding kay Elias sa beach kasama ang rumored GF

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Moira dela Torre tinuldukan ang isyung hiwalayan kay Jason Marvin Hernandez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending