Moira dela Torre tinuldukan ang isyung hiwalayan kay Jason Marvin Hernandez | Bandera

Moira dela Torre tinuldukan ang isyung hiwalayan kay Jason Marvin Hernandez

Therese Arceo |April 15,2022
facebook
share this

Moira dela Torre tinuldukan ang isyung hiwalayan kay Jason Marvin Hernandez

Therese Arceo - April 15, 2022 - 02:30 PM

Moira dela Torre tinuldukan ang isyung hiwalayan kay Jason Marvin Hernandez

MUKHANG bigo ang madlang pipol sa kanilang inaasam na 10-minute version ng kantang “Malaya” mula kay Moira dela Torre dahil walang katotohanan ang kumakalat na chika sa kanilang hiwalayan ng asawang si Jason Marvin Hernandez.

Kahapon ay nag-trending ang “hugot” singer matapos kumalat nag ispekulasyon na naghiwalay na sila ng asawa dahil sa mga balitang nagbura na daw ito ng mga pictures nila together sa kanyang Instagram.

May mga kumalat rin na tinanggal ni Moira ang surname na “Hernandez” sa kanyang personal Facebook account at in-unfollow rin niya si Jason sa TikTok.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Moira (@moiradelatorre)

Naging palaisipan rin ang naging IG post ni Jayson kung saan ibinahagi nito ang kantang “Wag Kang Lalapit” na may mga lyrics ukol sa isang tao na natatakot na makasakit ng minamahal sakaling malaman nito ang kanyang mga kasalanan.

Kaya marami talaga ang hindi maiwasang maapektuhan lalo na at sobrang ideal para sa kanila ng relasyon nina Moira at Jason.

May ilan pang nagbiro na baka magkaroon na rin ng 10-minute version ang hit song niyang “Malaya” dahil sa diumano’y hiwalayan.

Ngunit tinuldukan na ni Moira ang issue sa pamamagitan ng pagbabahagi ng IG story kung saan naka-mention ang asawa.

Isang larawan nila ng kanyang kaibigang si Mimiyuuh na kumakain ang ipinost nito.

“Look @jasonmarvinph it’s ur favorite,” saad ni Moira.

Ni-repost naman ito ni Jason at sinabing gusto niya ang food na kinakain ng asawa at kaibigan.

Bagamat hindi direktang nilinaw ni Moira ang isyu ay mukhang sapat na ito para mapakalma ang kanilang mga taga-suporta.

Samantala, nauna nang maglabas ng pahayag ang fan page ni Moira na pinapabulaan ang kanilang hiwalayan.

“We are here to inform everyone that the rumors circulating online about Moira Dela Torre and Jason Marvin’s separation is not true.

“To each and every one of us including the media, let’s be accountable in spreading news on social media by fact-checking as there are cases for those who are spreading fake news about individuals like Moira and Jason.

“Furthermore, let’s stop spreading the issue without the official statements of our most loved couple. Thank you and stay safe everyone,” saad ng fan page.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Hiwalayang Moira-Jason ‘fake news’ daw: Let’s stop spreading the issue

Jason sa 3rd anniversary nila ni Moira: She makes the best cookies & cinnamon rolls, she makes utos a lot but I secretly like it

Moira dela Torre bentang-benta sa Dubai, tinawag na ‘Phenomenal Queen’ ng fans

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending