Premyadong aktres ayaw nang makatrabaho ang dating sikat na aktor na masyadong proud sa sarili | Bandera

Premyadong aktres ayaw nang makatrabaho ang dating sikat na aktor na masyadong proud sa sarili

Reggee Bonoan |November 12,2021
facebook
share this

Premyadong aktres ayaw nang makatrabaho ang dating sikat na aktor na masyadong proud sa sarili

Reggee Bonoan - November 12, 2021 - 02:38 PM

IPINANGAKO ng premyadong aktres na ayaw na niyang makatrabaho ang aktor na sikat noong kapanahunan niya dahil ilang beses silang naka-cut ng direktor dahil hindi maka-arte.

Okay lang sa premyadong aktres na ilang takes sila pero ang hindi niya matanggap ay nagpapasaring pa ang aktor na dahil daw sa kanya kaya ilang beses kinunan ang eksena nila.

Naikuwento ng premyadong aktres ang experience niya sa aktor sa mga kapwa artistang kasama niya sa pelikula at sabay-sabay silang nagtawanan.

Nataon naman kasi na ang mga kasama ng premyadong aktres sa pelikula ay pawang premyadong mga aktor din at ‘yung iba ay nanalo pa sa ibang bansa.

Samantalang ang aktor na hindi maka-arte ay wala pang award ni isa pero may apat na nominations naman siya sa pagka-best actor. Ibig sabihin ay may alam din naman pala.

“Ang tagal niya kasing nabakante kaya siguro nangapa. Ang nakakainis lang ‘yung nagparinig siya na kaya raw maraming beses kaming naka-cut kasi hindi tama ‘yung ginagawa ko, ayaw ni direk.

“Ako pa talaga? E, tinutulungan ko na nga siya kasi hindi kami maka-kunek sa isa’t isa. Kailangan may kuneksyon kami, e, wala blangko talaga,”kuwento ng premyadong aktres.

Balik-tanong sa kanya ng aktor na minsang naka-trabaho na rin pala ang aktor, ‘anong ginawa mo sa parinig niya?’

“Wala, tiningnan ko lang tapos tinulog ko na ‘yung pagbabasa ko ng script. Wala naman akong mahihita sa kanya,” kaswal na sabi ng premyadong aktres.

Ang tsika naman ng premyadong aktor na nakasama ng aktor, “kami naman kasi sandali lang ‘yung pinagsamahan namin that time pero he’s one of the lead with (aktor at aktres). All I can say is he was very proud of himself, malakas ang dating niya kasi that time he’s on top. E, pag medyo lipas ka na, siguro kailangan mon a ring bumaba especially pag matagal kang nawala. Ang hirap bumalik.”

Sumang-ayon naman ang iba pang mga artistang kasama sa tsikahan.

Going back sa premyadong aktres, “sigurpo iiwas na lang ako sa project kung nandiyan siya or puwede basta hindi ko siya makaka-eksena. Ang bigat saka mahirap.”

Ang aktor na laman ng pulutan ng co-actors niya ay matagal ding napahinga sap ag-arte dahil may iba siyang pinagkaka-abalahan na negosyo raw niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness mabait sa amin ang aktor na ito kahit na kaliwa’t kanan ang bira namin sa kanya noong kasikatan niya. Alam niya kasing totoo naman lahat ang nasulat namin at pag nagkita kami ay ngingiti lang siya.

Related Chika:
Premyadong senior actor may budget para sa indie film; ‘General Admission’ ni Jasmine at JC, ipapalabas na
Male star pinrotektahan pa rin ang ex-GF na aktres kahit nakipagchurvahan sa isang aktor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending