Premyadong senior actor may budget para sa indie film; ‘General Admission’ ni Jasmine at JC, ipapalabas na
Gustong mag-produce ng pelikula ang premyadong senior actor kaya nagpatulong na siya sa taga-production na naka-trabaho niya sa isang indie film kamakailan. Nagsabi na siya kung magkano ang budget na pagkakasyahin daw at light drama lang ang gustong kuwento.
Maraming nagulat na may budget ang premyadong senior actor dahil nga lagi itong naghahanap ng project at gusto ay kaliwaan ang bayad sa kanya at medyo mahal siya per day, huh.
“In fairness kasya naman ang budget niya for an indie film, feeling namin may investor siya.
Nag pre-prod meeting na ang production na hahawak sa project nito at okay naman na. Sinusulat na lang ang script at malapit nang matapos. Kaya naman sobrang excited ang premyadong senior actor.
Biglang naghigpit na naman ang pamahalaan dahil pataas nang pataas ang bilang ng may Covid-19 at may balitang ibabalik sa Enhanced Community Quarantine ang NCR kaya namomroblema na naman ang mga taga-production.
“Keri lang naman na ibalik sa ECQ this week, huwag lang simula April, kasi daming naka-sked na magso-shoot. Kawawa mga taga-prod talaga walang kita kung walang shoot,”sabi pa ng kausap naming kasama sa production.
Tinanong namin kung sino ang cast sa indie film na ipo-produce ng senior actor.
“Gusto niya ‘yung nakasama niya sa last indie film niya na senior actress, sabi namin bawal lumabas na ang seniors may binanggit na veteran actress/actor, mukhang pasok naman dahil hindi pa senior,” tsika pa.
Anyway, ipinipilit daw ni premyadong senior actor na dapat kasama siya sa pelikula kahit thru zoom lang kung bawal siyang lumabas.
xxxx
Susundan ng publiko ang bawat galaw ng isang sexy dancer matapos siyang mapahiya sa national TV sa bagong Pinoy movie na “General Admission,” na pinagbibidahan nina Jasmine Curtis-Smith at JC De Vera at ipapalabas sa buong mundo ngayong Abril 9 sa iWantTFC.
Iikot ang kuwento nito sa sexy dancer na si Katja (Jasmine), na magbabago ang buhay matapos siyang mapahiya sa isang noontime show dahil sa isang wardrobe malfunction. Pagkatapos nito, pagpipiyestahan ng media ang kanyang sitwasyon at maiipit siya kasama ang kanyang kasintahang si Carlito (JC) sa isang malagim na krimen.
Available na sa iWantTFC subscribers ang ticket na nagkakahalaga ng P149 sa Pilipinas at USD.2.99 naman sa ibang bansa sa iWantTFC Android app at website (iwanttfc.com). Isang buwan naman itong magiging available sa platform hanggang Mayo 7.
Papakiligin naman nina Janine Gutierrez at JC Santos ang subscribers sa Philippines sa upcoming movie nilang “Dito at Doon,” na mapapanood mula Marso 31 hanggang April 28. Makakabili na ng early bird tickets (P300) para sa pelikulang tungkol sa dalawang magkaibigang magkakaibigan dahil sa panay na pag-uusap online habang lockdown.
Samantala, patuloy pa ring mapapanood sa iWantTFC ang Star Cinema romantic comedy na “Love or Money,” tampok ang pagtatambal nina Coco Martin at Angelica Panganiban, hanggang Abril 10 sa halagang P250 o USD4.99.
Puwedeng pwede ring humabol sa panonood ng boys’ love film na “Hello Stranger” hanggang Abril 14 at “Ayuda Babes” hanggang Abril 3 sa presyong P200 o USD3.99 kada ticket.
Hanggang Abril 6 naman ipapalabas sa iWantTFC ang dalawang MMFF 2020 movies na “Fan Girl” at “The Boy Foretold by the Stars” sa halagang P250 o USD4.99.
Mae-enjoy ang mga bagong pelikulang Pinoy sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Mapapanood din ang mga ito sa mas malaking screen dahil available na rin ang iWantTFC sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, at Telstra TV para sa users sa labas ng Pilipinas. Available na rin ang iWantTFC via chromecast at airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#
Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.