Gary V, Jaya, Kaladkaren nakiramay sa pagpanaw ni Mike Enriquez, Igan nagluluksa rin: 'Sabi mo, walang iwanan! Ang daya mo!' | Bandera

Gary V, Jaya, Kaladkaren nakiramay sa pagpanaw ni Mike Enriquez, Igan nagluluksa rin: ‘Sabi mo, walang iwanan! Ang daya mo!’

Ervin Santiago |August 30,2023
facebook
share this

Gary V, Jaya, Kaladkaren nakiramay sa pagpanaw ni Mike Enriquez, Igan nagluluksa rin: ‘Sabi mo, walang iwanan! Ang daya mo!’

Ervin Santiago - August 30, 2023 - 09:50 AM

Gary V, Jaya, Kaladkaren nakiramay sa pagpanaw ni Mike Enriquez, Igan nagluluksa rin: 'Sabi mo, walang iwanan! Ang daya mo!'

Arnold Clavio at Mike Enriquez

TULOY-TULOY ang pagbuhos ng mga mensahe ng pakikiramay at pamamaalam sa social media para sa pagpanaw ng veteran broadcast journalist na si Mike Enriquez.

Nagluluksa ang buong broadcasting industry pati na rin ang mundo ng showbiz dahil sa pagkamatay ng premyadong news anchor kahapon, August 29.

Kagabi, sa ulat ng news program ng GMA 7 na “24 Oras” kinumpirma ang pagpanaw ni Mike ngunit walang binanggit kung ano ang tunay na naging sanhi ng kanyang pagyao.

Naging emosyonal ang mga kasamahan ni Mike sa nasabing programa, lalo na ang kapwa veteran news anchor na si Mel Tiangco na talagang napaluha habang ibinabalita ang kanyang paglisan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Malungkot pong ibinabalita ng GMA Network ang pagpanaw ng aming minamahal na Kapuso at kaibigan na si Mike Enriquez,” paghahayag ni Mel sa official statement ng GMA Network sa pagkawala ng batikang mamamahayag.

“Siya po ay 71 taong gulang. Si Mike po ay halos dalawang dekada nating nakasama gabi-gabi dito sa 24 Oras. Mahigit dalawampu’t taon din siyang naging host ng public affairs program na Imbestigador.

“Mahigit 50 taon nang buong pusong naglilingkod sa mga manonood at tagapakinig si Mike na nagsimula sa industriya noong 1969 at naging bahagi ng GMA Network noong 1995,” pahayag pa ni Mel.

 Baka Bet Mo: Lovi Poe nagpaabot ng pakikiramay sa pagkamatay ni Susan Roces

Bukod dito, ibinalita rin ng “TV Patrol” ng ABS-CBN at “Frontline Pilipinas” ng TV5  ang pagpanaw ni Mike. Ibinahagi pa ng ni Kabayan Noli de Castro na matagal-tagal din daw silang naging magkaibigan ng yumaong veteran broadcaster.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng kaibigan ni Mike at kasamahan sa GMA na si Arnold Clavio ang isang TikTok video kung saan mapapanood ang ginawa nilang dance challenge.

“Paalam aking Ama, kaibigan, mentor, kasabwat, boss at higit sa lahat, ‘tagapagtanggol’ …. Sabi mo, walang iwanan! Ang daya mo!

“Ang alaala mo ay mananatiling buhay sa isipan at damdamin ng maraming Pilipino.

“Salamat at hanggang sa muling pagkikita,” ang caption ni Igan sa kanyang IG post.

Nakiramay din ang Kapamilya singer-actor at TV host na si Gary Valenciano sa naulilang pamilya ni Mike sa pamamagitan ng kanyang X account (dating Twitter).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AkosiiGan😎 (@akosiigan)


“He wasn’t only an outstanding broadcaster…but a dear friend.
Your voice, style and personality; these and so much more will be missed Mike.

“Can’t help but smile imagining how Jesus may’ve affectionately welcomed you home gently saying ‘Sir Mike Enriquez…PASOK.’ Love you bro,” ang mensahe ni Mr. Pure Energy para sa namayapang kaibigan.

“What a sad day for the broadcast industry. RIP Sir Mike Enriquez,” ang pakikiramay naman ng actress-TV host na si Kaladkaren.

Maging ang Soul Diva na si Jaya ay nagpaabot din ng kanyang pakikiramay sa pagyao ng news anchor, “Rest in peace Sir Mike Enriquez. May God give you rest.

“Honoured to have known you and will remember our conversations, your humility and courage to speak truth in what you believed. Paalam po,” ani Jaya.

 

Boy Abunda nakipag-usap kay Mike Enriquez matapos pumirma ng kontrata sa GMA; nanawagan kina Heart at Marian

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin sa hindi pakikiramay ni Liza Soberano kay Ogie Diaz: Hindi ako makapaniwala

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending