Empoy Marquez, Jayson Gainza laging 'napagkakamalang' sina Ruru at Matteo: 'Grabe! Nakaka-offend po!' | Bandera

Empoy Marquez, Jayson Gainza laging ‘napagkakamalang’ sina Ruru at Matteo: ‘Grabe! Nakaka-offend po!’

Ervin Santiago |October 23,2023
facebook
share this

Empoy Marquez, Jayson Gainza laging ‘napagkakamalang’ sina Ruru at Matteo: ‘Grabe! Nakaka-offend po!’

Ervin Santiago - October 23, 2023 - 07:38 AM

Empoy Marquez, Jayson Gainza laging 'napagkakamalang' sina Ruru at Matteo: 'Grabe! Nakaka-offend po!'

Empoy Marquez, Boy Abunda at Jayson Gainza

TAWA kami nang tawa habang pinanonood ang interview ni Boy Abunda sa mga komedyanteng sina Empoy Marquez at Jayson Gainza.

Sabay na nag-guest ang dalawang pambatong comedian ng Philippine showbiz sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kaya talaga namang riot ang nangyari sa studio ng programa.

Napag-usapan kasi sa programa ang ilang karanasan nila sa pagkakaroon ng “pogi problems” lalo na kapag mapagkakamalan silang sina Matteo Guidicelli at Ruru Madrid.

Magkakasama ang apat na aktor sa upcoming Kapuso primetime series na “Black Rider” kaya naman ang laging biruan sa kanilang set ay nagiging magkamukha na raw sina Jayson at Ruru habang halos wala nang pinagkaiba sina Empoy at Matteo. Ha-hahaha! Kaloka!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Tanong ni Tito Boy kay Jayson, ano raw ang nararamdaman nito kapag napagkakamalang siya si Ruru kapag nagte-taping sila para sa “Black Rider.”

“Nagagalit po ako. Nakaka-offend,” ang  birong sey ni Jayson pero seryoso ang mukha.

Baka Bet Mo: Kim Atienza ibinandera ang kanyang ‘pandesal’, nakipagsabayan kina Jak at Jayson

Dugtong pa ng Kapuso comedian, “Tapos ‘yun binato ko po ‘yung motor. Nakakailang motor na nga po ‘yung bato ko eh. Binabato ko sa ilog.

“Wala akong magawa, napagkakamalan akong si Ruru, tapos hinahanap sa akin si Bianca,” ang nakakaloka pang chika ni Jayson na ang tinutukoy ay ang dyowa ni Ruru na si Bianca Umali.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Empoy (@empoy)


Si Empoy naman ang sumunod na tinanong ni Tito Boy, ano daw ang reaksyon niya kapag napagkakamalan siyang si Matteo. “Hindi naman iba,” ang  seryoso ring hirit ng komedyante.

Baka Bet Mo: Empoy na-trauma sa lovelife, natakot magkadyowa uli; Cristine goodbye sa pagpapaseksi: ‘Gusto ko muna sa General Patronage’

Dugtong pang chika ni Empoy, “Sa bahay namin ang tawag sa akin ng nanay ko ‘Mateo.’ Meron siyang bible verse na paborito.”

Samantala, aminado naman si Jayson na mas habulin ng mga babae si Empoy kesa sa kanya.

“Habulin talaga siya. Kasi kapag nakita mo si Empoy, kapag pinapanood mo… mamahalin mo talaga siyempre, parang malapit na sa ‘yo (sa screen ng TV) kaya mahal na mahal mo talaga,” ang birong hirit pa ni Jayson.

Sa tanong naman kung ano ang pinakamalaking problema ng mga gwapo, sey ni Jayson, “’Yung atensyon ba, ayaw namin ng masyadong atensyon e.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit naman ni Empoy, “Actually paglabas ngayon ng GMA nito, pagkakaguluhan na.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending