Boy Abunda magpapasabog ng good vibes sa advocacy campaign na ‘Just One, Isa Lang’
ISA sa mga napansin ng King of Talk na si Boy Abunda sa social media ay kung gaan ka-toxic ito sa lipunan.
Kaliwa’t kanang pamba-bash at hate comments ang madalas makita mula sa netizens.
Kaya naman, ito rin ang naging dahilan ni Tito Boy upang ilunsad ang kanyang advocacy campaign na kung tawagin ay “Just One, Isa Lang.”
Ang layunin, aniya, nito ay himukin ang mga tao na gumawa ng kahit isang maliit na kabutihan sa kapwa.
Para sa TV host, ang gamot sa pagiging “toxic” ay ang magkalat ng “positivity.”
Baka Bet Mo: Boy Abunda pinag-aaral sina Kaori Oinuma at Aljon Mendoza; nag-celebrate ng 67th birthday sa ‘CIA with BA’
“It’s the way to counteract negativity [that] can’t survive gratitude or goodness. If each person can do one good thing daily, it can become a habit eventually,” sey ni Tito Boy sa isang interview.
Dagdag niya, “My goal is to provoke and inspire a mindset of goodness to everyone.”
“This project is about motivating people to do one good thing every day. A simple act of kindness can make this world a much better place to live in,” paliwanag pa niya.
Bilang parte ng nasabing kampanya, nagkaroon ng panayam si Tito Boy sa daan-daang celebrities kung saan ginawan niya ito ng video na ikinuwento ang mga maliliit na bagay na ginawa nila.
“The answers I got were varied. And the acts were as simple as hugging a friend, saying ‘I love you,’ telling the truth, waking up with a smile, telling their wives ‘Thank you.’ These things are immeasurable,” chika ng TV host na planong palawakin pa ang kanyang adbokasiya na itinatampok naman ang mga ordinaryong tao.
Bukod sa mga nabanggit na “I love you” at “thank you”, isa ring paraan ay ang pagsasabi raw ng “sorry.”
“I always apologize when I think I have offended someone. It humbles me and brings me back to my core,” aniya.
Bukod sa kampanyang “Just One, Isa Lang,” si Tito Boy rin ang founder ng “Make Your Nanay Proud,” isang foundation na nagbibigay-pugay at nagtataguyod ng kapakanan sa mga ina.
Related Chika:
Liza hinding-hindi malilimutan ni Gab Valenciano: It was a privilege to finally get to know you…
James Reid may ‘cryptic post’ tungkol sa lipunan, may pinapatamaan nga ba?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.