Jessica, Pia may inamin tungkol sa love story nina Mariz at Raffy; kailan nga ba balak magka-baby? | Bandera

Jessica, Pia may inamin tungkol sa love story nina Mariz at Raffy; kailan nga ba balak magka-baby?

Ervin Santiago |July 25,2021
facebook
share this

Jessica, Pia may inamin tungkol sa love story nina Mariz at Raffy; kailan nga ba balak magka-baby?

Ervin Santiago - July 25, 2021 - 09:05 AM

IN FAIRNESS, may hatid ding kakaibang kilig sa mga manonood ang Team Marffy o ang tambalan ng Kapuso couple na sina Mariz Umali at Raffy Tima.

Bentang-benta kasi sa mga televiewers at netizens ang kanilang car-aoke sessions na kuha sa kanilang mga out of town travel. Marami rin ang kinikilig sa mga  Instagram posts ng mag-asawa kapag nasa ibang bansa sila.

Pero alam n’yo ba kung sino ang  unang nagsabi kay Raffy na ligawan noon si Mariz? Sa nakaraang episode ng “Tunay Na Buhay” nagkuwento ng ilang detalye ang ang dalawang Kapuso news anchor at reporter.

Nagsimula lang daw sa tuksuhan ang love story nina Raffy at Mariz at saksi ang kanilang mga kasamahan sa GMA News and Public Affairs kung paano nauwi sa seryosong relasyon ang pagkakaibigan ng dalawa.

Umamin ang “Tunay Na Buhay” host na si Pia Arcangel na isa siya sa unang kumumbinsi kay Raffy na ligawan si Mariz dahil na-feel niya na may “something” na itong nararamdaman para sa kanilang kaibigan.

“Napansin ko si Raffy tingin nang tingin sa ‘yo habang sumasayaw ka. Iba ‘yung tingin ni Raffy sa ‘yo kaya ako napatingin kay Raffy na parang, ‘Bakit ganun tingin mo kay Mariz? Hindi naman ganun tingin mo kay Rhea. Ha-hahaha!” tawa nang tawang sey ni Pia.

Hirit naman ni Mariz, “May trivia rin ako. Matchmaker talaga po si Pia. Ha-hahaha!”

Kasunod nito, ibinahagi naman ni Raffy ang araw nang mag-propose na siya kay Mariz. Talagang humingi pa siya ng tulong sa cast ng teleseryeng “Amaya” sa pangunguna ni Marian Rivera at ng director nitong si Mac Alejandre.

“Sikat na sikat siyempre ‘yung ‘Amaya.’ ‘Yung director kasi nun naging friend na rin namin. Kinontak ko lang naman siya. Pumayag kaagad siya. Tapos siya pa actually gumawa ng mini-script.

“So ‘yun, pinalabas ko na, ‘Meron na ako actuall footage ng ending. Gusto n’yo mapanood?’” ani Raffy.

Super shocked siyempre si Mariz nang biglang umapir si Raffy sa isang eksena ng “Amaya” habang nanonood sila. Lumuhod at nag-propose nga sa kanya ang news anchor.

Samantala, may video message rin para sa mag-asawa ang ninang nila sa kasal na si Jessica Soho. Nabanggit nga nito na isa rin siya sa mga tumutukso noon kina Raffy at Mariz.

“Single pa sila noon, tinutukso na namin sila sa newsroom at isa ko dun sa mga nakikitukso sa kanila. Natutuwa ako that they ended up together kasi I think pinapatunayan lang na if you marry your best friend, matibay na relasyon ‘yon.

“So kay Mariz and Raffy, I hope they continue to have a good life together, a happy life together. Mariz and Raffy, I wish you well. Be safe, happy and healthy,” mensahe ni Jessica.

At sa tanong kung kailan nila planong magka-baby, si Raffy na ang sumagot, “Of course, in God’s perfect time. Pero ngayon kasi may ibang consideration kasi ‘di ba may pandemic at bakuna.

“So, hinihintay naming magka-second jab (ng COVID-19 vaccine) tapos tuloy ulit ‘yung operation,” dagdag ni Raffy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Operation Baby Marffy,” ang hirit naman ni Mariz.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending