Cristine Reyes biglang bawi sa sinabi noon tungkol kay Marco Gumabao: 'Definitely not tropa anymore' | Bandera

Cristine Reyes biglang bawi sa sinabi noon tungkol kay Marco Gumabao: ‘Definitely not tropa anymore’

Ervin Santiago |April 27,2023
facebook
share this

Cristine Reyes biglang bawi sa sinabi noon tungkol kay Marco Gumabao: ‘Definitely not tropa anymore’

Ervin Santiago - April 27, 2023 - 08:57 PM

Cristine Reyes binawi na ang sinabi noon tungkol kay Marco Gumabao: 'Definitely not tropa anymore'

Cristine Reyes at Marco Gumabao

KUMAMBIYO na ang award-winning actress na si Cristine Reyes sa naging pahayag niya noon patungkol kay Marco Gumabao.

Nag-viral kasi ang dating interview ng King of Talk na si Boy Abunda kay Cristine ilang taon na ngayon ang nakararaan kung saan sinabi nitong hindi niya papatulan si Marco at gagawing dyowa.

Ito yung “Jojowain o  Totropahin” challenge na ginawa ni Tito Boy nang mag-guest sa kanyang show noon si Cristine.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa kanyang Instagram Story kahapon, nag-share ang aktres ng bagong litrato nila ni Marco na kuha habang sila’y nasa buhanginan sa isang beach.

Dito, makikita si Marco na kayakap nang mahigpit si Cristine mula sa likuran at hinahalikan sa ulo. Ang caption ng aktres, “Definitely not tropa anymore.”

Hindi na raw niya kino-consider ngayon na friend ang hunk actor dahil, “Home kasi.”

Baka Bet Mo: Cristine 6 years nang single, balak ipa-background check ang mga manliligaw: ‘Masaya naman ako kahit walang lalake!’

Sa caption kasi ni Marco sa ipinost niyang sweet photos nila ni Cristine ito ang nakalagay, “You are my home and my adventure all at once.”

Tinag ni Cristine ang IG account ni Marco sa ibinahagi niyang photo kaya naman ni-repost ito ng binata sa kanyang IG Story at nilagyan ng mensaheng, “Hindi na couga… ‘di ko na itutuloy (grinning-squinting face emoji).”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa huling panayam namin kay Marco inilarawan niya ang relasyon nila ni Cristine, “Kami siguro ni Cristine, kaya siguro nagki-click kami, kasi, outside of work, outside of the camera, we’re just two normal people.

“We enjoy going out, eating out. Going to public places, going to the mall. Hindi kami nagtatago yung nagma-mask at naka-shades sa mall.

“Kumbaga, if you will see us, then, people see us. Hindi kami nagtatago, and we’re not also… hindi naman namin binabalandra,” chika ni Marco.

Sa tanong kung masasabi ba niyang more than friends na sila ni Cristine, “Well, we started off as friends. Sa SOCO nga in ABS-CBN, nakatrabaho ko pa siya.

“So, na-form yung friendship namin and of course, what we have now is special, I can say. Ayoko munang magsabi ng mga label-label na ganyan,” sabi pa ng hunk actor.

Marco Gumabao nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Cristine Reyes: ‘Click kami in terms of mga trip sa buhay, sa ugali namin’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristine inakalang hindi na makakabalik sa showbiz matapos unahin ang pamilya: ‘Nawala ang lahat sa akin at napakahirap nu’n’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending