Janine, Paulo sumabak sa ‘Totropahin o jojowain’ challenge; premiere night ng ‘Ngayon Kaya’ star-studded
“TOTROPAHIN o jojowain?” Yan ang challenge na pinagdaanan ng mga karakter nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez sa bago nilang romantic hugot movie na “Ngayon Kaya”.
Palabas na ngayon sa mga sinehan ang “Ngayon Kaya” at umaasa at patuloy na nagdarasal sina Janine at Paulo at ang buong production team ng T-Rex Entertainment at WASD Films (na pag-aari ni Paulo) na sana’y tangkilikin ng mga Pinoy ang kanilang pelikula.
Ang “Ngayon Kaya” na idinirek ni Prime Cruz at isinulat ni Jen Chuaunsu, ang unang locally-produced film na magkakaroon muli ng theatrical release sa mahigit 100 sinehan all over the Philippines after two years.
Naganap kagabi ang star-studded premiere night nito sa SM Megamall Cinema 1 na dinaluhan hindi lang ng cast sa pangunguna nina Paulo at Janine, Iana Bernardez, Donna Cariaga at Gabby Garcia, kundi pati na rin ng mga kaibigan nilang celebrities.
View this post on Instagram
Nakita namin doon sina Jake Cuenca, Enchong Dee, Edward Barber, Jake Ejercito, Ria Atayde, director JP Habac, photographer BJ Pascual, Film Development Council of the Philippines Chair Liza Diño, ang tatay ni Janine na si Ramon Christopher at marami pang iba.
Mensahe ni Janine sa lahat ng um-attend sa kanilang premiere night, “Thank you so much sa naglaan ng oras…to be here. It means so much to us.”
Sabi naman ni Paulo nang makita ang audience sa loob ng sinehan, “I’m out of words. It’s been a while since I attended a premiere in a moviehouse. Masaya ako na nandito kayo at masaya ako na may pelikulang Pilipino ulit na pinapalabas sa sinehan.”
Samantala, siguradong maraming makaka-relate sa kuwento ng “Ngayon Kaya” lalo na yung mga naguguluhan at hindi pa rin makapag-decide kung totropahin o jojowain ba nila ang isang kaibigan.
Sabi nga nina Paulo at Janine, kahit sila ay super relate sa mga karakter nila sa movie bilang sina Harold at PM.
“Parang ako yun. Parang ako siya, e. Kumbaga, buong buhay ko, hindi naman ako masyadong nagsasalita. Computer lang ang inaatupag ko.
“So, pagdating sa pag-ibig or sa crush mo, parang ano ka lagi, parang dinadaan mo lang lagi sa friendship dahil hindi mo alam kung may pag-asa ka o hindi. Ayun, at wala ka ring perang pam-vape,” natatawang chika ng aktor.
View this post on Instagram
Sey ni Janine, “Gusto kong pinapanood yung mga ganitong klaseng kuwento. Kasi after, parang napapaisip ka sa sarili mong buhay kung ano pa ba yung mga dapat mong sabihin na hindi mo nasabi.
“Or parang it serves as a reminder na huwag mong masyadong ipagpabukas yung mga kailangan kong sabihin. Lalo na last two years, di ba, natutunan nating lahat na hindi sigurado kung ano ang mangyayari bukas.
“So, I like how it works as a vehicle to parang look at yourself and your own life, at yung mga mahal mo sa buhay,” chika ni Janine.
Sa nakaraang panayam ng entertainment press sa aktres sinabi nitong idol talaga niya si Paulo kahit noong wala pa siya sa ABS-CBN.
“And I was really happy to be able to work with him. I always wanted to. Pinapanood ko yung mga pelikula niya. And noong nalaman ko na on board siya sa project, parang du’n ko na-realize na, even more, na talagang maganda yung materyal. Ang ganda ng pagkasulat. Ahhm, yun. So, excited talaga,” lahad ng dalaga.
Kaya naman guys, watch na kayo ng “Ngayon Kaya” sa mga sinehan. Kasama rin pala sa movie sina Rio Locsin, John James Uy at Alwin Uytingco.
https://bandera.inquirer.net/304232/jessy-iiwan-si-luis-para-kay-gong-yoo-hihiwalayan-kita-para-sa-kanya
https://bandera.inquirer.net/304285/derek-daniel-hyun-bin-gong-yoo-jojowain-ni-ate-vi-coco-john-lloyd-piolo-echo-totropahin-lang
https://bandera.inquirer.net/304168/gerald-anderson-totropahin-si-alexa-ilacad-baby-girl-yun
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.