Marco Gumabao ninega ng netizen na galing google ang caption, pinagtanggol ng madlang pipol: 'Inggit ka lang kasi wala kang jowa' | Bandera

Marco Gumabao ninega ng netizen na galing google ang caption, pinagtanggol ng madlang pipol: ‘Inggit ka lang kasi wala kang jowa’

Therese Arceo - April 25, 2023 - 11:28 PM

Marco Gumabao ninega ng netizen na galing google ang caption, pinagtanggol ng madlang pipol: 'Inggit ka lang kasi wala kang jowa'

ISANG netizen ang pumuna sa naging caption ng aktor na si Marco Gumabao sa post kung saan ibinandera niya si Cristine Reyes.

Matatandaang kahapon ay tila umamin na ang aktor sa tunay na relasyon nila ng aktres matapos ang mga haka-haka ng mga netizens at mga tanong ng press kung magdyowa na nga ba sila.

“You are my home and my adventure all at once,” saad ni Marco sa kanyang post kalakip ang mga larawan kasama si Cristine.

Samantala, isang netizen naman ang in-upload ito sa Twitter kalakip ang screenshot ng pag-tsek niya ng caption sa Google.

“Impress na sana ako sa caption, pero galing Google pala,” hirit ng netizen kay Marco.

Agad namang nag-react ang madlang pipol sa “problematic” post ng netizen.

“im more impressed that someone cares enough to try and shame someone over a caption like??? [crying emojis] are you this jobless? idgaf about the celeb in the tweet but this is so corny” sey ng isang netizen.

Baka Bet Mo: Marco Gumabao ibinandera na ang relasyon nila ni Cristine Reyes: ‘You are my home and my adventure all at once’

Comment naman ng isa, “I don’t see anything wrong here. Hirap naman natin pasayahin.”

“Stop policing everything you see on the internet. Choose peace,” payo naman ng isa sa pumupulis ng caption ni Marco.

Hirit pa ng isa, “Inggit ka lang eh kasi wala kang jowa haha”

Marami pa sa mga netizens na nagsasabing bagamat hindi sila fan nina Cristine at Marco dahil sa diumano’y pagiging “apologists” ng mga ito at pagiging parte ng pelikula noon ni Darryl Yap, hindi pa rin ito rason para pag-initan nito ang caption ng binatang nais lang ibandera sa mundo ang pag-ibig na kanyang natagpuan.

Chika pa ng mga netizens, lahat naman daw ay naranasan nang gumamit ng caption mula sa google o di kaya’y mga lyrics ng kanta kaya walang mali sa ginawa ng binata. Masyado lang daw pinapalaki kahit hindi naman dapat.

Kaya naman na-“back to you” siya ng mga netizens lalo na’t may nag-google rin ng kanyang bio at natagpuan rin itong nasa google.

Samantala, mukha namang walang pake sina Marco at Cristine sa pambabarda sa kanila ng netizen.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marco Gumabao nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Cristine Reyes: ‘Click kami in terms of mga trip sa buhay, sa ugali namin’

Marco tanggap ang pagiging single mom ni Cristine: ‘She’s very wife material, sobrang bait at walang arte’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending