Dave Almarinez laging 'nagre-report' kay Ara Mina bilang asawa kaya walang isyu ng selos: 'Sobra ang trust ko sa kanya' | Bandera

Dave Almarinez laging ‘nagre-report’ kay Ara Mina bilang asawa kaya walang isyu ng selos: ‘Sobra ang trust ko sa kanya’

Ervin Santiago |November 21,2023
facebook
share this

Dave Almarinez laging ‘nagre-report’ kay Ara Mina bilang asawa kaya walang isyu ng selos: ‘Sobra ang trust ko sa kanya’

Ervin Santiago - November 21, 2023 - 07:36 AM

Dave Almarinez laging 'nagre-report' kay Ara Mina bilang asawa kaya walang isyu ng selos: 'Kaya sobra ang trust ko sa kanya'

Ara Mina at Dave Almarinez

SUMUSUMPA ang aktres at TV host na si Ara Mina na hindi siya selosang misis sa kanyang asawang si Dave Almarinez.

Isa raw ito siguro sa isang factor kung bakit hanggang ngayon ay solid na solid pa rin ang married life nila ng pinakamamahal niyang husband.

Natanong kasi tungkol dito ang premyadong aktres sa latest episode ng “Iskovery Night”, ang YouTube channel ng dating mayor ng Maynila na si Isko Moreno.

“Siya parang pa-cute ‘yung selos niya. Minsan, parang mas seloso siya. Ako, hindi. ‘Di nga ako minsan nagtatanong kung nasaan siya,” rebelasyon ni Ara.

Dugtong pa ng aktres, “Ganoon ‘yung trust ko sa kanya. Kasi he always report, ‘I’m here lang sa office’. Nagpaparamdam siya. Nagkukusa siya. So, ‘di na ako nagtatanong kasi kaka-message lang niya, e.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ara Mina Almarinez (@therealaramina)


Sey nga ni Ara, ito raw ang rason kung bakit palagi siyang masaya, as in never daw siyang binigyan ni Dave ng mga problema at alalahanin sa buhay lalo na bilang asawa.

Baka Bet Mo: Ara Mina susubukan ang natutunang paraan para maging boy ang next baby: ‘It’s not about the position…’

Ikinasal sina Ara at Dave noong July, 2021 na unang naka-schedule ng April ng nasabi ring taon ngunit na-postpobe nga ito dahil biglang tumaas uli ang kaso ng COVID-19 cases sa bansa.

* * *
Nag-uumapaw na kilig at suspense ang nararamdaman ng mga manonood sa kwento nina Bingo (Donny Pangilinan) at Caroline (Belle Mariano) kaya naman number 1 pa rin ang “Can’t Buy Me Love” sa Top 10 TV shows ng Netflix Philippines ngayong araw at tumabo na sa higit sa 500 million views ang serye sa Tiktok noong Nobyembre 1.

Isa pa rin ang “Can’t Buy Me Love” sa most watched series sa iWantTFC sa nakalipas na apat na linggo. Hindi rin nawawala sa Twitter trending topics at patuloy na pinag-uusapan ang serye gabi-gabi.

Baka Bet Mo: Ara Mina ibinuking ang tunay na relasyon nina Coco Martin, Julia Montes: ‘I’m happy for him dahil open na sila…’

Ngayon nga unti-unti nang nalalaman ni Caroline ang impormasyon tungkol sa tangkang pagpapa-kidnap sa kanya ng kanyang kapatid. Sa tulong ni Bingo, nakahanap ng pruweba si Ling na magagamit kay Irene (Maris Racal).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donny Pangilinan (@donny)


Mukhang hindi pa naman ligtas ang kanyang buhay sa mga misteryosong taong patuloy na nagmamanman sa kanyang galaw.

Samantala, tuloy-tuloy ang problemang kinahaharap ng pamilya ni Caroline. Matapos nilang madiskubre ang pagiging babaero ni Edward, na-hack naman ang bangko ng kanilang kompanya.

Ngayong babalik na sa mansyon si Ling, tuluyan na kayang maputol ang ugnayan nila ni Bingo? Mabayaran na kaya niya si Bingo at mapatunayang si Irene talaga ang nagpadakip sa kanya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag palampasin ang trending episodes ng “Can’t Buy Me Love” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, TFC IPTV, at TV5.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending