Jelai Andres tinalakan ang basher na 'pala-desisyon': Inom ka po kaya ng pinakuluang bawang na may medyas at tansan? | Bandera

Jelai Andres tinalakan ang basher na ‘pala-desisyon’: Inom ka po kaya ng pinakuluang bawang na may medyas at tansan?

Therese Arceo |October 27,2022
facebook
share this

Jelai Andres tinalakan ang basher na ‘pala-desisyon’: Inom ka po kaya ng pinakuluang bawang na may medyas at tansan?

Therese Arceo - October 27, 2022 - 02:19 PM

Jelai Andres tinalakan ang basher na 'pala-desisyon': Inom ka po kaya ng pinakuluang bawang na may medyas at tansan?
HINDI napigilan ng vlogger-comedienne na si Jelai Andres ang pumatol sa netizen na may pagka-“paladesisyon”.

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi niya ang screenshot ng komento ng netizen sa kanyang post.

Sa naturang screenshot na in-upload ni Jelai ay makikita ang mahabang litanya ng netizen sa kanya hinggil sa kontrobersyang kinasangkutan ng kanyang kaibigang sina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino.

Matatandaang nadamay na nga siya sa kontrobersiya nang ilabas ni Wilbert ang ilang screenshots ng usapan nila ni Zeinab kung saan tinawag siya ng huli na “sabaw”.

Sey ng netizen kay Jelai, “Kung tunay mo siyang kaibigan dapat naiintindihan mo siya. Tapos bat ka naman magagalit [na] sinabihan ka ng pinakasabaw
Hala teh ikaw ata lutang ano nangyayare, e klaro nga lutang kayong lahat pero mas ikaw lang pinakalutang.

“At bakit di lang naman kayo ang lutang madami naman halos lahat ng tao lutang. Jusko para yan lang na salita. Partida na post partum pa yung nung sinabi nya yan. Sabagay di ka makakarelate ng pod kasi di ka naman nanganak.”

Nilinaw naman ni Jelai na hindi naman siya galit sa magkabilang kampo at wala siyang inaaway sa mga ito.

“Hala teh ikaw ata lutang ano nangyayare sayo? Nagagalit ba ko? San mo nakuha yan? Ok na ok po ako wala akong inaaway. Love love lang gusto ko. Wala akong galit both sides,” saad niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jelai Andres (@jelaiandresofficial)

Tila naguluhan rin si Jelai kung bakit galit na galit ito at sinabi pa na hindi siya makaka-relate kay Zeinab dahil wala pa siyang anak.

“Bat tinatalakan mo ko dyan? Dinamay pa neto yung di ako maka relate kasi wala akong anak. Aba ate naman dami kong anak 100 na aso 40 na pusa normal ko lahat inire yon!” sagot pa niya.

Pabirong hirit pa ni Jelai, “Pa check ka te baka ikaw binat. Help kita seryoso ko. Masyado kang highblood jan inom ka po kaya pinakuluang bawang na may medyas at tansan. Effective po yun. Ako nga chill lang bakit ka nagagalit sakin may utang po ba ako sayo? Pa albularyo ka kaya te?”

Samantala, nauna nang humingi ng tawad ang social media influencer na si Zeinab sa lahat ng mga taong nadamay sa samaan ng loob nila ni Wilbert na nauwi sa hindi magandang pangyayari.

“Gusto ko lang po sana humingi ng paumanhin sa lahat ng taong napagsalitaan ko ng hindi maganda at sa mga kaibigan kong nadamay sa issue na aking kinasangkutan. Ate Jelai, Ate Alex, Ate Donna, Ivana, Robi, Sanya, Whamos, Toni, Toro Fam, Makagago, Inuts and Sachzna.

“Hindi po ako magbibigay ng kahit na anong excuse, ang mga nabasa nyo po ay mga salitang nabitawan ko ng hindi ko napag isipan, tao lang din po ako katulad nyo.. Ang ugali kong ito ay hindi tama at dapat kong baguhin. I’m really sorry,” sey ni Zeinab.

Humingi rin ng patawad ang kaibigan ni Jelai sa lahat ng supporters nito na paniguradong nadismaya sa kanyang mga inasal.

“Nawa’y magkaroon po ng kapatawaran ang pagkakamali kong ito and I will try my best upang magbago, again galing sa puso ko I’m so sorry. I will move on and move forward from this dark chapter of my life. I will become better. Maraming salamat po,” dagdag pa ni Zeinab.

Related Chika:
Jelai na-depress dahil sa pag-ibig: Nakarating ako ng ospital, butas short ko!

Jelai Andres biktima rin ng pambu-bully, sinampal ng kaklase; pinuri ni Rhea Tan bilang epektib na endorser

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May tensiyon at kumpetensiya nga ba sa pagitan nina Donnalyn Bartolome, Jelai Andres at Zeinab Harake?

Jelai Andres: Minsan parang kinokotongan na ako ni Lord e, ‘Hoy, tama na!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending