Jelai Andres: Minsan parang kinokotongan na ako ni Lord e, 'Hoy, tama na!' | Bandera

Jelai Andres: Minsan parang kinokotongan na ako ni Lord e, ‘Hoy, tama na!’

Ervin Santiago - March 21, 2022 - 07:43 AM

Jelai Andres seksing-seksi para sa summer

Jelai Andres

BILANG isang vlogger at social media influencer, knows ng Kapuso star na si Jelai Andres ang mga responsibilidad niya sa publiko lalo na sa mga kabataan.

Isa si Jelai sa mga celebrities na milyun-milyon ang followers at subscribers sa iba’t ibang digital at online platforms kaya naman milyun-milyon din ang kinikita niya as YouTuber at brand endorser.

Sa isang panayam, natanong ang komedyana kung anu-ano ang mga  responsibilidad na nakatatak sa isip niya bilang isang influencer.

“Siyempre dapat role model ka sa kanila kasi ginagaya nila lahat sa iyo. Nai-inspire sa iyo ang mga tao so dapat laging maayos ang mga ginagawa mo, hindi ka nila nakikitaan na may matututunan silang masama sa iyo,” pahayag ni Jelai.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jelai Andres (@jelaiandresofficial)


Para naman sa mga haters na walang ginawa kundi ang mangnega at manlait sa kanya kahit wala siyang ginagawang masama sa mga ito.

“Ang mga basher hindi naman natin maiiwasan talaga. May gawin kang tama, may gawin kang mali, kapag ayaw sa iyo, ayaw sa iyo,” mariing sabi ng komedyana.

Biro pa niyang chika, “Siguro ano, keep it up! Hindi, joke lang! Ano na lang, kailangan na lang natin intindihin, huwag na lang pansinin. Minsan gawin mo siyang motivation, parang challenge. ‘Sinasabi nito hindi ko kaya.’

“Gawin mo mas doble nang makita niya na, ‘Ay, kaya niya!’ Susunod kasi, iyang mga basher na iyan, love ka na rin nila.

“Kasi kahit ano’ng pilit nila sa iyo na galitin ka ng galitin, kapag hindi ka nagagalit, ‘Ay!’ Mapapagod rin sila, ‘Ay, ang bait pala niya.’

“Sa susunod matatawa na sila sa ginagawa mo, matatawa na sila so mare-realize din nila. So yung mga hindi naman nakaka-realize ng ganun, e buhay naman nila yun, sila naman magdadala nu’n,” magandang paliwanag ni Jelai.

Bakit nga ba “Mi Loves” ang tawag sa kanya ng kanyang mga fans, “Hindi ko naman sinasadya na ‘mi loves’ ang maging tawag nila sa akin, tawag ko yun sa pamangkin ko na nasa ibang bansa. May ‘s’ talaga.

“Hanggang sa nu’ng pino-post ko yung mga pamangkin ko, ‘mi loves’ tawag ko sa kanila, ang naging tawag na rin nila sa akin ‘mi loves.’ Konti na lang ang tumatawag sa akin ng Jelai.

“Kapag poging artista ang tumatawag sa akin ng ‘mi loves,’ iba ang feeling e, nakakalimutan ko na ako pala yung tinatawag,” natatawa niyang chika.

Sa tanong naman kung may pinagsisisihan siya sa mga naging desisyon niya noon sa kanyang buhay, sagot ni Jelai, “Para sa akin, bilang isang tao normal sa atin na meron tayong pagsisisi, e. Yung sisi na, ‘Dapat pala, sana pala.’

“Normal sa atin yung may ganu’n. Pero yung pagsisisihan mo talaga, na pinagdudusahan mo, siguro sa akin, wala. Kasi naniniwala ako na lahat ng pinagdaanan ko, lahat ng… kahit nagdusa ka minsan or nahirapan, is nakaplano iyan ng Diyos.

“Preparation iyan para sa mas better na mangyayari sa iyo sa future. Iyon ang lagi kong iniisip. Kaya kahit na down ka ngayon, iniisip ko, ‘Ah, bakit ito ginawa ni God?’

“Hindi mo minsan maintindihan, magku-question ka, e, ‘Lord, bakit sa akin ito nangyayari? Hindi ko maintindihan.’

“Maiisip mo na meron itong dahilan. Kailangan alam mo, at matututunan mo kung bakit. At malalaman mo someday so wala akong pinagsisisihan kasi happy…minsan kahit hindi tayo happy, magiging happy ka rin unti-unti at marami kang bagay na pagpapasalamatan at mararamdaman mo yung mga taong nagmamahal sa iyo,” dire-diretso niyang paliwanag.

“Saka ako po yung taong hindi ako madaling sumuko, e. Iniisip ko lagi na sa isang tao, kahit na may ginawa siya sa iyo, iniisip ko lagi na hindi, may mabuti dito, kaya niya ito.

“Mapag-intindi ako, e, pero kapag dumating ka na sa point na dinadasal ko na, ‘Lord, ipakita mo sa akin kung mali na itong ginagawa ko.’

“Pero minsan parang kinokotongan na ako ni Lord e, ‘Hoy, tama na!’ Lagi akong ganu’n, lagi akong nagpe-pray, inaantay ko kaya tumatagal ng tumatagal,” aniya pa.

Kamakailan, naging headline na naman si Jelai matapos mabalitang umakyat na sa korte ang isinampa niyang concubinage case laban sa estranged husband niyang si Jon Gutierrez na isa sa mga miyembro ng grupong Ex Battalion.

Matatandaang naghiwalay ang celebrity couple noong March, 2021 makaraan ang tatlong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa at halos anim na taong relasyon bilang mag-boyfriend at mag-girlfriend.
https://bandera.inquirer.net/302520/jelai-na-depress-dahil-sa-pag-ibig-nakarating-ako-ng-ospital-butas-short-ko

https://bandera.inquirer.net/308505/jelai-andres-biktima-rin-ng-pambu-bully-sinampal-ng-kaklase-pinuri-ni-rhea-tan-bilang-epektib-na-endorser

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/308565/vico-sotto-hindi-apektado-sa-cyberlibel-case-na-isinampa-ni-iyo-bernardo-its-nothing-personal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending