May tensiyon at kumpetensiya nga ba sa pagitan nina Donnalyn Bartolome, Jelai Andres at Zeinab Harake? | Bandera

May tensiyon at kumpetensiya nga ba sa pagitan nina Donnalyn Bartolome, Jelai Andres at Zeinab Harake?

Ervin Santiago |September 19,2022
facebook
share this

May tensiyon at kumpetensiya nga ba sa pagitan nina Donnalyn Bartolome, Jelai Andres at Zeinab Harake?

Ervin Santiago - September 19, 2022 - 11:18 AM

Donnalyn Bartolome, Jelai Andres at Zeinab Harake

MARAMING nagtatanong kung may tensiyon at kumpetensiya nga ba sa pagitan ng tatlo sa pinakasikat na female vloggers sa bansa – yan ay sina Donnalyn Bartolome, Jelai Andres at Zeinab Harake.

In fairness, talaga namang grabe ang kasikatan ngayon ng tatlong social media influencer with millions of followers across all online platforms.

Nang makachikahan namin si Zeinab sa mediacon ng bago niyang endorsement, ang Beautederm na pag-aari ni Rhea Anicoche Tan, natanong ang controversial content creator tungkol sa nasabing issue.

“Ay, naku po! Wala po talaga! Friends po talaga kami! Actually, yun yung DoLaiNab, si Donnalyn, si Jelai and ako. Friends talaga kami.

“Ito yung…siguro kaya rin na parang hanggang ngayon, yung trio na yon, nag-start po akong mag-vlog, friends ko na yung dalawa, eh.

“So, sobrang solid. Kasi hindi lang kami on-cam magkakaibigan, pati off-cam po magkakaibigan kami at magkakasama kami. Magkakapatid na nagtutulungan,” lahad ni Zeinab.

Patuloy pa niya, “Kapag may problema yung isa, tulungan po talaga kami. So, wala pong competition talaga. And eto po, sa totoo lang, ito po yung personalidad ko, ha? Hindi po ako nai-insecure.

“Kasi, hindi po ako nakikipagkumpetensya kahit kanino. Hindi ko naman po kailangang makipagkumpetensya at makipag-anuhan dahil kung ano lang po yung meron diyan, eh, okay na po ako du’n, at du’n ako nasanay.

“Siguro, one thing na pinakamagandang ibinigay ni Lord about sa akin, eh, yung ugali ko talaga. Marunong po akong makuntento,” pahayag ng celebrity mom.

View this post on Instagram

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)


Napanood naming mag-perform sina Zeinab at Jelai sa bonggang mall tour ng Beautederm sa Ayala Malls Cloverleaf noong September 11 kasabay ng pagbubukas ng bagong store doon ng kumpanya ni Ms. Rhea Tan at totoong-totoo – grabe ang tilian at palakpakan ng audience nang pumagitna na sila sa stage.

Nauna rito, inamin ni Zeinab na ayaw muna niyang pasukin ang showbiz kahit maraming offer sa kanya para mag-artista.

“Natatakot lang po talaga akong pasukin yung mundo ng showbiz, feeling ko kasi hindi pa ako handa na sumabak sa acting.

“Gusto ng parents ko na mag-artista ako, lalo na yung mama ko. Sa totoo lang po, nag-o-audition po ako sa ABS, sa kahit saan. Naranasan ko pang maging ekstra sa mga TVC noong bata po ako.

“Talagang nakita ko kung gaano kahirap at kagaling ‘yung mga artista. Hindi ko masabi na kaya kong gawin ‘yung kaya nilang gawin, e.

“Magiging totoo lang po talaga ako palagi sa kung hanggang saan ang kaya ko. Pero pagdating po sa serye at sa movies, malalaman pa po natin yan,” dagdag pa ni Zeinab.

Sa katunayan, may nag-alok din sa kanya na magpaseksi sa pelikula, “Parang di ko naman keri na sexy agad. Kasi yung mga sexy themes ko, eh, ang mga nakakakita lang din po ay ang team ko. Hindi ko keri na maghubad nang maraming tao.

“Kasi po may mga naging offer sa akin, hindi ko na lang po babanggitin kung anong movie yon, isa yon sa mga parang medyo bastos na movie na nailabas.

“Noong nabasa ko po yung linya, ako po yung kalog talaga at walang preno ang bunganga, pero yung mga ganu’ng salita, hindi ko po kayang bitawan,” sey pa ni Zeinab.

“Hindi ko po gagawin yung mga bagay na hindi ko po keri talaga lalung-lalo na sa mga bagay pagdating sa pagkababae kasi po babae ang anak ko, tapos babae po ako, at medyo maselan nga po akong napalaki. Kaya po hangga’t maaari hindi ako nag-aano sa mga nag-o-offer,” aniya pa.

https://bandera.inquirer.net/310884/donnalyn-bartolome-may-pakiusap-sa-netizens-para-kay-zeinab-harake-be-kind
https://bandera.inquirer.net/302520/jelai-na-depress-dahil-sa-pag-ibig-nakarating-ako-ng-ospital-butas-short-ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/324100/donnalyn-bartolome-biniktima-si-ryan-bang-humingi-ng-p100k-para-sa-talent-fee
https://bandera.inquirer.net/308505/jelai-andres-biktima-rin-ng-pambu-bully-sinampal-ng-kaklase-pinuri-ni-rhea-tan-bilang-epektib-na-endorser

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending