Derek Ramsay ibinunyag na madalas takutin ni Ellen Adarna: I swear, I’ll have a heart attack! Bandera

Derek Ramsay ibinunyag na madalas takutin ni Ellen Adarna: I swear, I’ll have a heart attack!

Pauline del Rosario |September 18,2023
share this

Derek Ramsay ibinunyag na madalas takutin ni Ellen Adarna: I swear, I’ll have a heart attack!

Pauline del Rosario - September 18, 2023 - 05:02 PM

Derek Ramsay ibinunyag na madalas takutin ni Ellen Adarna: I swear, I’ll have a heart attack!

PHOTO: Instagram/@ramsayderek07

ALIW ang latest YouTube vlog ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo na kachikahan ang batikang aktor na si Derek Ramsay.

Bago kasi isailalim sa isang skin treatment ang aktor ay inusisa muna ng sikat na doktora ang tungkol sa buhay mag-asawa nila ni Ellen Adarna.

Mapapanood sa vlog na napag-usapan ng dalawa ang pagyo-yoga ni Ellen at dito ibinunyag ni Derek kung paano siya tinatakot ng misis.

Sa paglalarawan ni Derek, mala-The Grudge ang peg na ginagawang stunts ni Ellen at halimbawa na raw riyan ay ‘yung naka-bending ang katawan na naglalakad.

“Ellen is a born ‘yogi.’ She can put her feet behind her head, she can crawl,” sey ni Derek.

Chika niya, “What she does to me, tinatakot niya talaga ako, where I’d wake up nakabaliktad siya and then she walk.”

“I swear, I’ll have a heart attack. She can do all those crazy things,” ani pa ng aktor.

Baka Bet Mo: Na-pressure nga lang ba si Derek na mag-propose agad kay Ellen?

Follow-up question ni Dra. Vicki, “Is it why you have fallen in love with her?”

Agad namang umagree si Derek, “Yeah, yeah, yeah.”

Tanong pa ng celebrity doctor, “How did you know she was the one?”

Ayon kay Derek, “You just know.”

“I’ve been in so many relationships that were so long, 6 years or 5 years. But I just couldn’t pull the trigger,” paliwanag niya.

Kwento pa niya, “You know, when we talked about it, I tense up that something doesn’t feel right. So if you have doubts, don’t push through.”

“So when Ellen and I spoke about getting married and we’re both, ‘nah, we don’t need to get married’, suddenly I’m thinking, ‘parang I wanna marry her’, and I couldn’t see anything stopping me from proposing,” pagbabahagi pa niya.

Bigla namang sumingit ang doktor at binanggit na isang buwan lang nagkakilala ang dalawa.

Tugon naman sa kanya ni Derek, kahit ganung kaikling panahon lang ay tila nakilala na niya si Ellen.

“But that one month, she showed me her dark side,” sambit niya.

Ani pa ng aktor, “No one did that, no one. Everyone showed me their good side. And when we’re in the relationship there are things that we discover, but siya talagang she broke up with me kahit ‘di pa kami.”

Sundot naman ni Dra. Vicki, “Okay ‘yun ah, paano nangyari ‘yun?”

“Ewan ko sa kanya but she was like, ‘ayoko na sayo, hiwalay na tayo.’ Sabi ko naman, ‘okay lang sakin, hindi pa naman tayo’,” sagot sa kanya ni Derek

Matatandaan noong February 2021 ay kinumpirma ng mag-asawa na may namamagitan sa kanilang dalawa.

Matapos ang isang buwan ay nag-propose na ng kasal si Derek kay Ellen at noong November 2021ay ikinasal na ang dalawa sa Bataan.

Makaraan ang isang taon ay muling ikinasal sina Ellen at Derek sa Peru at tinatawag itong “Peruvian despacho ceremony.”

Ang nasabing kasal ay kasabay ng kanilang first wedding anniversary.

Related Chika:

Andrea Brillantes naloka sa regalo ni Dra. Vicki Belo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Glam-up transformation ni Vicki Belo patok sa netizens: ‘Love it!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending