Andrea Brillantes naloka sa regalo ni Dra. Vicki Belo Bandera

Andrea Brillantes naloka sa regalo ni Dra. Vicki Belo

Therese Arceo |January 15,2022
share this

Andrea Brillantes naloka sa regalo ni Dra. Vicki Belo

Therese Arceo January 15, 2022 - 08:59 PM

Andrea Brillantes naloka sa regalo ni Dra. Vicki Belo

SHOOKT na shookt ang aktres na si Andrea Brillantes dahil hindi niya inaasahan na makakatanggap siya ng bonggang regalo mula kay Dra. Vicki Belo.

Bumisita kasi si Andrea kila Dra. Vicki Belo para samahan ang duktora na mag-unbox ng kanyang luxury gifts na natanggap niya noong nagdaang Pasko.

Pagkukwento ni Andrea, hindi siya mahilig sa mga mamahaling regalo lalo na’t siya ang breadwinner ng kanilang regalo kaya super happy at excited siya sa mabigyan ng pagkakataon na mag-unbox ng mga mamahaling brands.

Sey pa ni Andrea, ang mga meron lang siya ay mga ribbon mula sa sikat na brands.

Habang nag-a-unbox ay binigyan na ni Dra. Vicki ng Hermes lipstick si Andrea.

Pagbabahagi ng batang aktres, ang pinaka-bet niyang brand talaga ay Chanel at Dior.

At sa pagtatapos ng vlog ay hindi inaasahan ni Andrea na ang kanyang ina-unbox na luxury bag ay para pala sa kanya.

“You like it?” tanong ni Dra. Vicki. “We bought this for you!”

Isang Lady Dior bag na color gray lang naman na nagkakahalaga ng mahigit isang P100 thousand ang bag na ibinigay nina Dra. Vicki Belo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vicki Belo, M.D. (@victoria_belo)

Labis ang sayang nararamdaman ni Andrea at tila hindi makapaniwala sa sorpresang hatid ni Dra. Vicki.

“Hindi lang ribbon ang meron ako!” Masayang saad ni Andrea.

Bukod sa dalaga ay nakatanggap rin ng surprise gift ang ka-love team niyang si Seth Fedelin.

Tila nahihiya pa nga ang binata na buksan ang regalong wallet ng mag-asawang doktor.

Ayon kay Dra. Vicki, yumayaman daw ang mga taong nireregaluhan nila ng wallet kaya tonawag niya itong wallet na masuwerte.

Mukha namang last year pa nang kunan ang nasabing vlog dahil makikitang magkasama pa ang dalawa.

Matatandaang kontrobersyal ngayon ang mga batang artista dahil umano sa “hidwaan” nina Andrea at Francine matapos kumalat ang family picture ng huli kasama ang aktor na si Seth.

 

Related Chika:
Andrea Brillantes sinupalpal ang basher: Huwag kang umasta na alam mo lahat
Andrea Brillantes, Francine Diaz iniintriga ng netizens, nagkakainitan nga ba?

 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending