Andrea Brillantes sinupalpal ang basher: Huwag kang umasta na alam mo lahat Bandera

Andrea Brillantes sinupalpal ang basher: Huwag kang umasta na alam mo lahat

Therese Arceo |January 14,2022
share this

Andrea Brillantes sinupalpal ang basher: Huwag kang umasta na alam mo lahat

Therese Arceo January 14, 2022 - 04:45 PM

Andrea Brillantes sinupalpal ang basher: Huwag kang umasta na alam mo lahat

HINDI na nakapagtimpi ang Kapamilya star na si Andrea Brillantes sa mga “Marites” na pilit nang-iintriga sa kanyang buhay.

Isa si Andrea Brillantes sa mga matunog na personalidad ngayon dahil sa tila “hidwaan” nilan ng kaibigan at co-star sa seryeng “Kadenang Ginto” na si Francine Diaz.

Nagsimula ang diumano’y hindi pagkakaunawaan ng dalawa matapos mag-trending ang family picture ni Francine kasama ang ka-loveteam ni Andrea na si Seth Fedelin na nag-celebrate nang magkasama noong New Year.

Agad ngang naging topic si Andrea nang mapansin ng mga netizens ang tila mada-dramang posts nito sa Instagram stories maging sa Tiktok videos nito.

Maraming netizens ang naghihinala na may kinalaman ang viral photos nina Francine at Serh sa mga “hugot” ni Andrea sa social media.

At sa isang Tiktok video kung saan sinasabayan niya ang kantang “Lose You to Love Me” ni Selena Gomez ay hindi na nakapagpigil ang batang aktres at sinagot ang comment ng isang netizen na nagsabing “usap muna bago drama sis”.

@blythe Kagigising ko lang? #fyp ♬ Lose You To Love Me – Selena Gomez

Bwelta ni Andrea, “Ikaw na chismosa ka, wag kang umasta na alam mo lahat at alam mo kung bakit ako nagda-drama. Yan ang problema sa inyong mga chismosa eh.”

Umabot na sa mahigit 12 million views ang nasabing TikTok video ni Andrea na ipinost niya matapos mag-viral ang mga larawan nina Seth at Francine.

Bukod rito, nanawagan rin ang batang aktres na i-report ang isang account na nagpapanggap bilang siya at kung ano-ano pa ang mga ipino-post ng nasabing account.

Sa ngayon ay nananatili pa ring tahimik ang tatlo hinggil sa kontrobersyang kinasasangkutan nila.

Matatandaang sa isang interview noon ni Boy Abunda kay Andrea ay inamin nitong si Seth ang pinaka-espesyal na tao na nakilala niya.

Inamin rin nito na mayroon na silang ginawang pag-uusap ni Seth at may “commitment” na silang dalawa ng aktor at hindi raw siya papayag sakaling manligaw ito sa iba.

“Ayoko Tito Boy kasi ang commitment, commitment yan. Hindi ka puwedeng mag-commit sa dalawa. Dapat sa isa lang,” saad ni Andrea.

 

Related Chika:
Andrea Brillantes, Francine Diaz iniintriga ng netizens, nagkakainitan nga ba?
Francine, Seth magkasamang nag-celebrate ng New Year; ibinuking nga ba ni Kyle?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending