Zeinab Harake biglang pinatungan si Bobby Ray Parks habang nagwo-workout: 'Lakas ni Daddy! Sana all!' | Bandera

Zeinab Harake biglang pinatungan si Bobby Ray Parks habang nagwo-workout: ‘Lakas ni Daddy! Sana all!’

Ervin Santiago |November 19,2023
facebook
share this

Zeinab Harake biglang pinatungan si Bobby Ray Parks habang nagwo-workout: ‘Lakas ni Daddy! Sana all!’

Ervin Santiago - November 19, 2023 - 04:00 AM

Zeinab Harake biglang pinatungan si Bobby Ray Parks habang nagwo-workout: 'Lakas ni Daddy! Sana all!'

Bobby Ray Parks at Zeinab Harake

HASHTAG #CoupleGoals talaga ang drama ng content creator na si Zeinab Harake at ng basketball player na si Bobby Ray Parks, Jr..

Pati sa pagwo-workout ay talagang magkasama ang celebrity couple kaya naman marami ang natutuwa at nai-inspire sa kanilang relasyon.

Kamakailan lamang, umeksena muli si Zeinab sa pagwo-workout ng kanyang dyowang cager na pinusuan at ni-like ng kanilang mga social media followers.

Isang short video clip ang ibinahagi ni Zeinab sa kanyang Instagram story kung saan makikita nga si Bobby Ray na nagpu-push up.

Bigla siyang pumatong sa likod ng basketball player at in fairness, kering-keri pa rin nitong mag-push up kahit may mabigat na nakapatong sa kanyang likuran.

“Workout with bebe @ray1parks,” ang inilagay na text caption ni Zeinab sa kanyang IG story.

Hirit pa ng vlogger sa powers ng kanyang boyfriend, “Lakas ni Daddy Ray. Sana all.”

Baka Bet Mo: Zeinab Harake feeling lucky kay Bobby Ray Parks: ‘Malay ko bang seryoso ‘tong kumag na ‘to…hindi lang ako love niya, pati kids’

Sa kasunod naman niyang Instagram story, makikita ang magdyowa sa ginawa nilang pagro-road trip at pagkain ng bonete matapos ang kanilang workout.

Hindi ito ang unang beses na pinatungan ni Zeinab ang kanyang boyfriend na basketball player.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @zeinab_harake


Sa isa pa niyang IG post, makikita ang vlogger na nakayakap kay Bobby Ray habang nasa sofa silang dalawa.B

Baka Bet Mo: Zeinab kay Bobby Ray: ‘Salamat sa Diyos binigyan Niya ako ng partner na hindi papasakitin ang ulo ko’

“Miss na kita mahaaaaaaal @ray1parks,” ang caption ni Zeinab sa caption ng kanyang Instagram photo.

Share namin sa inyo ang mga comments ng ilang netizens sa “patungan” nina Zeinab at Bobby Ray.

“Gusto ko lang naman mag IG jusko!!!!”

“Ganyan ka pala sa iba lord.”

“Hooyyyyy!!!! Lord bat sa Mobile legends lang ako nabuhuhat??”

“Gusto ko na rin pong magka jowa lord!!!”

“Lord na saan na yung para Sakin gsto Kona din magka jowa.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Gigigil ako sa inyo ha!!!!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending