Kim mas gumanda at sumeksi nang makipaghiwalay sa dyowang cager | Bandera

Kim mas gumanda at sumeksi nang makipaghiwalay sa dyowang cager

Bandera |July 10,2019
facebook
share this

Kim mas gumanda at sumeksi nang makipaghiwalay sa dyowang cager

Bandera - July 10, 2019 - 01:10 AM

KIM DOMINGO AT MIKE ACUÑA

NAUWI rin sa hiwalayan ang halos tatlong taong relasyon ng Kapuso sexy actress na si Kim Domingo kay Mike Acuña. One month na pala silang break ng kanyang ex-boyfriend.

Sa nakaraang mediacon ng bago niyang teleserye sa GMA, ang Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, natanong ng entertainment press kung ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. Pero iwas na iwas ang dalaga sa pagdedetalye tungkol dito.

“No comment po ako. Ayoko na lang pag-usapan, pasensiya na po,” pahayag ni Kim na mukha namang hindi masyadong affected sa break-up nila ng dating dyowa dahil in fairness, mas gumanda at mas sumeksi pa siya ngayon.

Komento nga ng mga reporter at photographer na um-attend sa presscon ng ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, mukha siyang Barbie Doll sa bago niyang hairstyle with her glass skin effect na mala-Korean ang dating.

Ayon pa kay Kim, maayos ang naging hiwalayan nila ng basketball player niyang BF at pareho nilang gusto ang nangyari, “On good terms kami. Walang halong galit sa isa’t isa, okay kami. Okay naman po. Basta happy ako, and siya rin.”

Dagdag pa ni Kim, walang third party involved sa kanilang break-up, at hindi rin issue ang pagpapa-sexy niya sa kanyang mga projects.

Tungkol naman sa kanyang hair, inamin ng dalaga na wig lang ito. Pero balak daw talaga niyang magpaputol ng buhok kaya sinubukan muna niyang mag-wig para hindi siya mabigla.

But acccording to her, kung magpapagupit man siya one of these days, definitely ay wala raw itong kinalaman sa break-up nila ni Mike.

Samantala, excited na si Kim sa nalalapit na pagsisimula ng suspense-drama-thriller series nilang Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko kung saan makakasama niya sina Kris Bernal, Rayver Cruz at Megan Young. Magsisimula na ito sa July 22 sa GMA Afternoon Prime.

Gagampanan dito ni Kim ang katakter ni Katya, na BFF ni Megan Young who will play the role of Yvie. Ayaw pang i-reveal ni Kim kung ano ang magiging papel niya sa serye pero siguradong ikagugulat daw ng mga manonood ang twist sa kanyang role.

Si Megan naman ang gaganap na asawa ni Rayver Cruz sa serye bilang si Matteo. Guguluhin ni Kris Bernal (Naomi) ang kanilang pagsasama hanggang kamatayan. Yes, multo ang ganap dito ni Kris kaya asahan na ang kanilang pananakot tuwing hapon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin sa bagong Kapuso serye sina Boots Anson Roa, Sharmaine Arnaiz, Francine Prieto, Beverly Salviejo, Denise Barbacena, Joaquin Manansala at Euwenn Mikael Aleta. Ito’y sa direksyon ni Joron Lee Monroy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending