Kim Domingo wish makatrabaho si Anne, may shoutout kay Coco

Kim Domingo wish makatrabaho si Anne, may pa-shoutout kay Coco

Ervin Santiago - August 08, 2024 - 03:15 PM

Kim Domingo wish makatrabaho si Anne, may pa-shoutout kay Coco

KUNG may isang Kapamilya actress na astigin para kay Kim Domingo, yan ay walang iba kundi ang actress-TV host na si Anne Curtis.

Wish talaga ng sexy actress na makasama at makatrabaho si Anne sa mga susunod niyang proyekto lalo na ngayong nasa ABS-CBN na siya.

Napapanood ngayon ang dating Kapuso star sa Kapamilya action-drama series na “FPJ’s Batang Quiapo” bilang bagong kalaban ni Tanggol, ang karakter ni Coco Martin.

Sa panayam kay Kim ng Kapamilya Chat, sinabi nitong kine-claim na niya na darating ang panahon na makaka-work niya si Anne na talagang pinabilib siya sa action movie nitong “Buy Bust.”

“Kasi nakita ko rin siya, nag-action siya, napanood ko ‘yung movie niya ‘yung ‘Buy Bust,’ yes si Ms. Anne,” sagot ni Kim nang matanong nga kung sino sa mga prime artists ng ABS-CBN ang nais niyang makatrabaho sa isang project.

Baka Bet Mo: Coco pangarap makatrabaho sina Kathryn at Daniel sa Batang Quiapo: ‘Sobrang bait kasi ng KathNiel, saludo ako sa pagkatao nila’

Sa tanong kung ano pa ang dream projects niya, “Horror, isa rin ‘yan sa gusto kong ma-try.

“Tapos gusto ko rin ‘yung role na parang mala-‘Gone Girl’ ‘yung medyo psycho, ‘yung mga dual personality, ‘yun ang gusto kong ma-try,” aniya pa.

Samantala, todo naman ang pasasalamat ni Kim sa ABS-CBN at kay Coco dahil na-consider siya na maging bahagi ng “FPJ’s Batang Quiapo” kung saan gumaganap siya bilang si Madonna.

Aminado ang dalaga na hanggang ngayon ay inaatake pa rin siya ng nerbiyos kapag pumupunta sa shooting pero mas lamang naman daw ang nararamdaman niyang excitement.

“Sobrang kinakabahan pero thankful ako dahil ang daming nagga-guide sa akin doon. Lalo na si Direk Coco, gina-guide niya talaga ako nang maigi, so natatanggal naman ‘yung kaba,” pahayag pa ni Kim Domingo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending