Coco pangarap makatrabaho sina Kathryn at Daniel sa Batang Quiapo: 'Sobrang bait kasi ng KathNiel, saludo ako sa pagkatao nila' | Bandera

Coco pangarap makatrabaho sina Kathryn at Daniel sa Batang Quiapo: ‘Sobrang bait kasi ng KathNiel, saludo ako sa pagkatao nila’

Ervin Santiago |May 15,2023
facebook
share this

Coco pangarap makatrabaho sina Kathryn at Daniel sa Batang Quiapo: ‘Sobrang bait kasi ng KathNiel, saludo ako sa pagkatao nila’

Ervin Santiago - May 15, 2023 - 07:06 AM

Coco pangarap makatrabaho sina Kathryn at Daniel sa Batang Quiapo: 'Sobrang bait kasi ng KathNiel, saludo ako sa pagkatao nila'

Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Coco Martin at Lovi Poe

KUNG may isang loveteam na gustung-gustong makatrabaho ng Kapamilya Teleserye King na si Coco Martin, yan ay walang iba kundi ang reel and real life sweethearts na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Maituturing daw niyang dream come true kung sakaling magge-guest ang KathNiel sa kanyang hit teleserye na “FPJ’s Batang Quiapo” sa ABS-CBN.

“Siyempre pangarap ko na makatrabaho yung mga ‘yon. Kung saka-sakali magkaroon ng pagkakataon na available sila at pwede, napakalaking karangalan nu’n siyempre ng Batang Quiapo na makatrabaho ang isang Daniel Padilla,” ang sabi ng award-winning actor sa mediacon ng “Batang Quiapo” kamakailan.

Papuri pa niya sa celebrity couple, “Sobrang bait kasi ni Daniel kaya kumbaga sobrang saludo ako sa pagkatao niya at kay Kathryn.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Samantala, inamin ni Coco na maraming artistang nagpaparamdam sa kanya na sana’y makasama rin sila sa cast ng “Batang Quiapo”, kabilang na riyan ang mga veteran stars na hindi na nabibigyan ngayon ng mga acting projects.

“Sabi ko nga, mahaba pa ang journey, marami pang pupuntahan ang kuwento, marami pang pupuntahan ang mga characters. Ngayon kasi through my experience sa Ang Probinsyano, dinadahan-dahan ko. Mahirap kasi kapag na-excite ka.

Baka Bet Mo: Joel Lamangan gusto uling makatrabaho sina Sharon, Maricel, Vilma, Nora; pero bakit napakunot-noo kay Dina?

“Naging problema ko yan sa ‘Ang Probinsyano’, naubusan ako ng actors. Sa dami ng artista sa buong Pilipinas halos lahat nag-guest sa Ang Probinsyano. Kaya ngayon natututo ako magdahan-dahan,” paliwanag pa ng premyadong aktor.

Walang katapusang pasasalamat din ang nais niyang isukli sa lahat ng mga nanonood ng “Batang Quiapo”, “Actually sobra akong na-surprise. Kasi nu’ng ginagawa namin yung Ang Probinsyano sabi ko sigurado ako hindi ko na mauulit ito, ‘yung ganung experience.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)


“Pero ngayon, base sa mga numbers na lumalabas sa Batang Quiapo mas malakas pa siya sa Ang Probinsyano. Kasi nung pumasok ang Ang Probinsyano ay hindi naman kami umabot sa ganitong ratings eh. ‘Di ba nawala ang prangkisa ng ABS-CBN.

“Ngayon kahit walang prangkisa ay maganda ‘yung ratings na ibinibigay ng show. Tumaas nang tumaas lalo na ang view sa YouTube, nakaka-surprise.

“Sobrang saya at sobrang pasasalamat, lahat kami, lahat ng bumubuo ng Batang Quiapo,” masayang pahayag pa ni Coco.

Kasama pa rin sa cast ng serye sina Lovi Poe, Charo Santos, Cherry Pie Picache, Christopher de Leon, Lito Lapid, John Estrada, Lorna Tolentino, Irma Adlawan, RK Bagatsing, McCoy de Leon, Lou Veloso, Pen Medina, Susan Africa, Ping Medina, at Toni Fowler.

David Licauco wish makatrabaho sina Kathryn at Daniel: ‘Pinanood ko mga movies nila, kinikilig talaga ako sa kanila’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

#MayPila: Barbie Forteza ‘willing to wait’ matupad lang ang wish na makatrabaho si Joshua Garcia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending