Joel Lamangan gusto uling makatrabaho sina Sharon, Maricel, Vilma, Nora; pero bakit napakunot-noo kay Dina?
SHARON Cuneta. Vilma Santos. Dawn Zulueta. Nora Aunor. Maricel Soriano. Ilan lamang yan sa mga kilalang celebrities na gustong makatrabaho uli ni Direk Joel Lamangan.
Napag-usapan ang tungkol dito, nang magbigay ng reaksyon ang award-winning director sa reunion movie nila ng Grand Slam Queen na si Glydel Mercado, ang “Fall Guy”.
Nakachikahan ng press si Direk Joel sa storycon ng “Fall Guy” last April 17 na pinagbibidahan ni Sean de Guzman kung saan present din si Glydel na naka-grand slam nga bilang best supporting actress para sa pelikula ni Direk Joel na “Sidhi” na ipinalabas noong 1999.
“Masaya ako dahil matagal kong hindi nakita si Glydel. Ang tagal kong hindi siya nakasama,” pahayag ng direktor.
“Magaling na artista ‘yan, e. Kaya nu’ng nagkaroon ako ng pagkakataong isama siya rito, isinama ko na siya rito. Kasi, hindi ko alam kung kailan ko siya makakasama pa. Masaya ako,” pahayag ng veteran filmmaker.
Sa tanong kung sinu-sino pa ang gusto niyang maidirek uli sa mga susunod niyang pelikula, “Gusto ko ring makatrabaho si Gina Alajar, pati si Gina Pareño. Kasi, naging artista ko ‘yan.
“Si Ate Vi (Vilma Santos), gusto ko, at may project kaming kino-conceive for her. Pinu-push yun ni John Bryan Diamante (producer ng Fall Guy). Gusto ko rin si Sharon (Cuneta), e, wala lang akong material for Sharon. Even Dawn (Zulueta), gusto ko si Dawn. Ang dami kong nagawa kay Dawn.
View this post on Instagram
“Kahit si Richard Gomez, gusto ko uli. Si Boyet (Christopher de Leon) gusto ko ulit makasama. Nakakahiya lang kasi na kukunin mo sila na wala namang project na bagay sa kanila. Kailangan, kung may io-offer ka sa kanila, there’s something they can bite on.
“Something na pagtatrabahuhan nila na maganda. Kasi, kung io-offer mo, ganun-ganun lang, nakakahiya. Lalo na kay Ate Guy (Nora Aunor), lalo na kay Boyet. Matagal ko na ring hindi nakatrabaho si Tirso. Ang dami kong ginawang Tirso Cruz III (movies).
“Si Ipe (Phillip Salvador), at least may isa akong natapos, di ba? Yung Isa Pang Bahaghari (entry sa MMFF 2020). Yung iba, wala pa. Kaya lang, ang mga producer ngayon, ayaw na ng mga malalaking artista, dahil ang laki-laki ng budget.
“Gusto ko ngang ibalik yung Moral (1982) ang ganda-ganda. Gusto kong gumawa ng parang ganu’n. Ibabalik ko sila,” aniya pa.
Isa pa sa gustong makatrabaho uli ni Direk Joel ay si Maricel Soriano, “Merong isang producer na gustong gumawa ng Maricel. Sana, matuloy.”
Nang may magbanggit naman ang pangalan ni Dina Bonnevie, naungkat ang chika na inayawan umano ng aktres ang pelikulang “Walker” ni Direk Joel na napunta naman kay Rita Avila.
Medyo napakunot-noo at napaisip muna si Direk Joel sabay sabing, “Umayaw ba siya sa akin? Ay, hindi! Ako ang umayaw! Ayaw niya ng role. Gusto niya, mapabuti yung role. ‘Aba, bakit iibahin mo? Ay, naku, palitan ka na lang!’ Ganu’n yun, ‘Day.
“Gusto ko pa rin siyang maka-work. Mahusay na artista ‘yan, kaya lang, parati kaming nag-aaway, kaming dalawa. Pero bati-bati uli. Kasi, ganyan-ganyan ‘yan, e. Hindi niya alam, naririnig ko, kasi naka-mic!” pagbabalik-tanaw ng beteranong direktor.
https://bandera.inquirer.net/297383/vilma-inaming-nagkaroon-sila-ng-tampuhan-noon-ni-nora-aunor
https://bandera.inquirer.net/311066/nora-vilma-sharon-juday-nakatikim-din-ng-talak-kay-direk-joel-lamangan-anyare
https://bandera.inquirer.net/291878/pelikula-nina-gloria-vilma-at-nora-babandera-sa-1st-philippine-film-industry-month-ng-fdcp
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.