Kim Domingo to the highest level ang fangirling, nagpadala ng food truck kay Cha Eun-Woo | Bandera

Kim Domingo to the highest level ang fangirling, nagpadala ng food truck kay Cha Eun-Woo

Therese Arceo |January 11,2023
facebook
share this

Kim Domingo to the highest level ang fangirling, nagpadala ng food truck kay Cha Eun-Woo

Therese Arceo - January 11, 2023 - 06:02 PM

Kim Domingo to the highest level ang fangirling, nagpadala ng food truck kay Cha Eun-Woo

TALAGA namang ibang level na pagiging fan girl ng Kapuso star na si Kim Domingo matapos itong magpadala ng food truck sa Korean star na si Cha Eun-Woo.

Sa isang Twitter update ng banda ni Cha Eun-Woo na ASTRO nitong Martes, January 10 ay makikita ang larawan ng aktor sa food truck na ipinadala ng Kapuso star.

“Thank you for inspiring us. Cheering on you, Teacher SeoWon! Chaiting!!” mensahe ni Kim na nakadikit sa food truck.

 

 

Nagpasalamat naman si Cha Eun-Woo sa pinakitang suporta at pagmamahal ng aktres sa kanya.

“I ate [like emojis] delicious coffee tea, beef tteokso tteok, and crofl very well. Thank u so much. Seowon teacher chaiting!!!” saad sa tweet ng ASTRO.

Marami naman sa mga netizens ang nag-comment at napa-sana all na pang sa ginawa ni Kim at nap-wow na lang sa effort na ginawa ng dalaga.

“Woii gravyyy hope all,” sabi ng isang netizen.

Chika pa ng isa, “Anong laban ko kay kim domingo putcha fishball cart nga diko kaya.”

Noon pa man ay very vocal na si Kim sa kanyang paghanga sa Korean star at sa katunayan ay personal pa itong pumila noon para bumili mismo ng ticket sa naganap na fan meeting nito sa Manila noong nakaraang taon.

Si Cha Eun-woo ay nakilala mga Korean drama nito gaya ng “My ID Is Gangnam Beauty” (2018), “Rookie Historian Goo Hae Ryung” (2019), “True Beauty (2021), at ngayon nga ay abala ito para sa taping ng kanyang next series na “A Good Day to Be a Dog”.

Related Chika:
Kim Domingo namigay ng free tickets para sa Cha Eun Woo fan meet; may promise sa cancer patient

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kim Domingo binatikos dahil sa pagbili ng ticket para sa fan meeting ni Cha Eun Woo

Kim Domingo tinamaan na rin ng COVID-19; iyak nang iyak nang matanggal sa serye ni Jennylyn

Kim Domingo umaming tumaba: Minsan kasi wala rin akong disiplina sa food!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending