Kim Domingo tinamaan na rin ng COVID-19; iyak nang iyak nang matanggal sa serye ni Jennylyn | Bandera

Kim Domingo tinamaan na rin ng COVID-19; iyak nang iyak nang matanggal sa serye ni Jennylyn

Ervin Santiago - August 30, 2021 - 06:18 PM

Kim Domingo

SA kabila ng pagiging “praning” at sa ginagawang tripleng pag-iingat sa kanyang kalusugan, tinamaan pa rin ng COVID-19 ang Kapuso actress na si Kim Domingo.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ibinalita ng dalaga ang naging karanasan niya sa paglaban sa killer virus. Talagang nagtataka pa rin daw siya hanggang ngayon kung saan niya nakuha ang nakamamatay na sakit. 

Hindi siya makapaniwala na nahawa pa rin siya kahit na sinusunod niya ang lahat ng health protocols pati na ang pag-inom ng vitamins at food supplements.

“Nag positibo ako sa COVID-19. First of all, hindi ko inexpect na tatamaan pa ako. Pinagtatawanan na nga ako sa sobrang pag disinfect at pagiingat na ginagawa ko.

“Kumpleto din ako ng vitamins at fully vaccinated. Hindi ko na din po magagawa ang #LoveDieRepeat, ito sana ang pagbabalik ko sa TV simula nagka pandemic dahil hindi po ako tumanggap ng trabaho sa labas. 

“Work from home ako palagi. Natatakot ako maglock in taping pero dahil nabakunahan na ako, mas napanatag ako saka namimiss ko na ang pag arte,” kuwento ni Kim na ang tinutukoy ay ang seryeng pagbibidahan ni Jennylyn Mercado.

Iyak din daw siya nang iyak nang mawala sa kanya ang nasabing proyekto nang dahil sa pagkakaroon ng COVID, “Naka set na sana kami nung Aug 29 para sa quarantine ng show at biglang sa hindi inaasahan, nangyari ito. 

“Grabe ang iyak ko nung nalaman ko na hindi na ako makakasama sa show. Napaka wrong timing. Pero inisip ko nalang, may dahilan kung bakit nangyari ito. May ibang plano siguro si LORD para sa akin. 

“Saan ko nga ba nakuha? Hindi ko din alam, pero isa lang ang malinaw sakin. Kahit anong ingat mo, pwedeng pwede ka tamaan ng COVID. Hindi natin sya nakikita. 

“Kaya kung meron kayo pagkakataon na magpa bakuna, magpa bakuna kayo. Isa din ako sa mga takot na takot magpabakuna dati. Sabi ko hindi ko ilalagay sa katawan ko yan. 

“Ako pa naman yung tipo ng tao na mahilig magsearch at magbasa basa. Sabi ko di bale nalang, pero hindi talaga ako papabakuna. Madami ako nakausap, naexplain sa kin ng maayos.

“Nakwento din nila kung ano mga experience nila after magpa vaccine. Isang araw narealize ko na gusto ko na magpabakuna, then kami ng family ko nagpabakuna na. Inisip ko, kesa naman ako ang mahirapan, pati mga mahal ko sa buhay pag tinamaan kami ng covid. 

“Makakatulong ang bakuna para mabawasan ang severity ng covid. Buti nalang at fully vaccinated na ako at ang pamilya ko. Wala na akong lagnat, pero wala pa din pang amoy at panlasa. 

“Pero still malakas pa din ako kumain. Mas okay na pakiramdam ko. Pahinga lang at iwas ma- stress. Tuloy tuloy pa din ako sa pagiingat, pag di-disinfect, hindi din po ako lumalabas. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tatapusin ko po ang aking home quarantine hanggang sa ako ay mag negative na sa virus. Salamat din sa mga nagpa abot ng kanilang message at pag aalala. Love you all! Stay safe po sa lahat!” ang malungkot ngunit punumpuno pa rin ng pag-asa at positibong pananaw na sabi ng “Bubble Gang” star.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending