Kim Domingo Kapuso pa rin, ‘ipinahiram’ lang kay Coco Martin
“HINDI pa rin ako makapaniwala na napasama ako sa show very unexpected kasi kung bakit ako napasama,” ang sabi ni Kim Domingo na ang tinutukoy ay ang “FPJ’s Batang Quiapo.”
Sa panayam ni Luis Manzano para sa kanyang YouTubr vlog na “Luis Listens” ay natanong si Kim kung ano ang pakiramdam niya na napasama siya serye ni Coco Martin.
Nabanggit nga ng aktres na hindi niya inaasahan na magiging bahagi siya ng “Batang Quiapo” kaya naman ang sabi pa niya, “I’m very grateful din siyempre to my network (GMA 7) na napagbigyan na makatawid (sa ABS-CBN).”
Sabi ni Kim ay nananatili siyang contract artist ng Kapuso Network at pinayagan lamang siyang ipahiram para sa programa ni Coco upang gumanap sa karakter na Madonna.
At magandang experience raw na open na ngayon ang mga network na ipahiram ang kanilang mga artista na lumabas sa mga programa sabi ni Luis na tama rin naman lalo na sa mga hindi nabibigyan ng regular show.
Baka Bet Mo: Coco Martin puring-puri ni Cristy Fermin, ikinumpara kay Willie Revillame
“Mas maraming trabaho ang nabibigyan sa lahat ng ito, opportunity sa likod ng kamera,” sambit ni Luis.
Nagpakuwento si Luis kung ano ang naging reaksyon ni Kim nang makatanggap siya ng offer o inquiry kung puwede siyang maging guest sa “Batang Quiapo.”
Alam naman kasi ng lahat na kapag lumabas ang isang artista sa “Batang Quiapo” ay masasabing kumpleto na ang showbiz career dahil napasama ka sa number one TV series ng Kapamilya channel at higit sa lahat, nakatrabaho ang malalaking artistang kabilang na roon siyempre si Coco Martin.
“Unexpected kasi nag-start talaga ‘yan nag-guest ako sa isang event na hindi ko alam na halos lahat pala ng nandu’n ay from ABS and then usap-usap (tsikahan with other guests) may nagsabi na, ‘alam mo bagay ka sa Batang Quiapo, kung bibigyan ka ba ng chance okay ka?’
“Sabi ko ‘yes gustung-gusto ko talagang mapasok dun’. Tapos sabi (kausap ko), ‘malay mo may makapagsabi kay direk CM (Coco Martin) tingnan natin.’
“Tapos after one week (may) tumawag kung interested ako, pero siyempre nagpaalam muna ako sa network (GMA) and napagbigyan naman and after that, ‘yun na training na ako kaagad and grabe first time kong magkaroon ng talagang matinding action.
“Na-try ko naman na before pero ito (Batang Quiapo) iba talaga, dapat ‘yung dedication mo nandoon,” kuwento ni Kim.
Tinanong ni Luis kung ano ang mga inaral ng aktres dahil matindi ang action scenes sa “BQ”.
“Ito kasi sa Batang Quiapo may baril, may knife, may hand to hand tapos nagpa-firing training din ako para marunong talagang humawak ng baril. Gusto ko itong role kasi bagong challenge at bagong Kim Domingo ito.
“Kasi ‘yung iba nakasanayan na ‘oh, ‘yung role niyan pa-sweet, sexy.’ Kaya ito bagong Kim Domingo talaga matindi ang karakter ko at masaya ako ro’n,” katwiran ng aktres.
Ibinahagi naman ni Luis na pa-suspense ang teaser ni Kim bago siya lumantad sa “Batang Quiapo” na inakala ng lahat ay si Jessy Mendiola-Manzano dahil napasabay pa sa pagpirma nito ng kontrata sa ABS-CBN.
“Ang daming nag-congratulations sa akin sabi ko anong nagawa ko at sinabi nga si Jessy, sabi ko bakit buntis (ulit) siya? Tapos sabi nga kasama sa Batang Quiapo, sabi ko hindi,” nakatawang kuwento ng proud husband ni Jessy.
Tugon naman ni Kim, “Oo, nabasa ko nga may mga ganu’n (nasulat).”
Sabi pa ng aktres, “May mga nakahula na rin talaga na ako at tuwang-tuwa ako kasi grabe rin talaga ‘yung pagpo-promote sa karakter ko talagang inano (maximize) nila ang social media grabe, thank you sa ABS (CBN).”
Nabanggit din ni Luis kung ano naman ang komento ng mga taga-GMA nang malaman nilang nasa “BQ” na siya.
“Nag-congrats sila sa akin lalo na ang mga bosses,” masayang sabi ni Kim.
Bukod sa action ay isa pa sa dream role ni Kim ay tulad ng sa pelikulang “Gone Girl” ipinalabas noong 2014 na pinagbidahan ni Rosamund Pike na isang psychological thriller.
Kung dating magkakampi sina Kim at Coco sa kuwento ng “Batang Quiapo” ay nabago na ngayon dahil bumalik na sa dating grupo niya si Tanggol at higit sa lahat inonse niya si Don Facundo played by Jaime Fabregas na tauhan niya si Madonna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.