Netizens naloka sa 'vaccine hugot' ni Nikko; Jinkee super Inglisera sa socmed | Bandera

Netizens naloka sa ‘vaccine hugot’ ni Nikko; Jinkee super Inglisera sa socmed

Alex Brosas - August 29, 2021 - 05:10 PM

Nikko Natividad, Jinkee at Manny Pacquiao

MARAMI ang naloka sa tweet ni Hashtag Nikko Natividad. Ang feeling kasi ng marami ay may kahalayan ito.

“Hindi pa rin sya vaccinated? Subo lang bawal halik,” tweet ni Nikko.

Ipinost niya ito sa kanyang Instagram account kaya mas marami ang nag-react. Narito ang pinaghalong reaction sa Twitter at Instagram ng aktor.

“Meron na.. Ito nmm.. Pa-kiss na.. Dagdagan ko na lang mamaya.”

“Dear@Nikko Seagal, Good night sweaty…Umaasa ako na ang pandemya ay pumasa sa lalong madaling panahon at ang lahat ay maayos. At nawa mapuno ka ng kaligayahan at kaligtasan. Pinapanatili ko pa rin ang damdamin at paniniwala. Kaya … huwag mag alala, mahal.”

“Luh. Fully vax na po ako.”

“Yan hahaha gagi.”

“Mas masarap ang subo kesa halik.”

“Lakas ng tawa ko, mga 8M bwahahaha.”

“Hahahaha! Naka 1 dose na po ako sir.”

“Ano ga yan???? Hahahhaa pede na rin khit wlang vaccine.. ay utas hahaha.”

“Buti nalang vacinated ako.”

Ano nga ba ang ibig mong sabihin sa tweet mong iyan Nikko?  Paki-explain nga.

* * *

There is one thing that describes Jinkee Pacquiao perfectly —  nouveau riche.

When you say nouveau riche kasi ito ay nangangahulugan na bago kang yaman. Any which way we look at her ay ganyan si Jinkee.

Kung anuman ang mayroon si Jinkee, ito ay katas ng pinaghirapan ng kanyang asawa. Ang lahat ng luho niya ay galing lahat kay Manny Pacquiao at hindi naman maikakaila iyon.

Sa kanyang Instagram ay puro karangyaan ang post ni Jinky. Ang kanyang OOTD, kahit na nasa bahay lang siya, ay nagkakahalaga ng daang libo kundi man milyones. She is that rich. Ang take note, hindi yata siya nag-uulit ng outfit.

Eh, saan ka naman nakakita na nasa bahay ka lang pero nagmumura sa mahal ang iyong mga suot from head to toe.  

Clearly, you want to flaunt whatever sosyal na gamit you have. Lahat ay gusto niyang ipangalandakan. Nagsusumigaw ang kanyang pagnanais na ipakita ang lahat ng marangya niyang gamit.
Nothing wrong. It’s her choice.

But everything is, to our eyes, ay pagpapakita lang ng kanyang karangyaan, no more, no less. She may be rich but she just enjoys a small circle of friends.  Parang wala siyang old rich friend.  

Of late, she was obviously making a spite. Panay ang parinig niya sa social meda, tila walang patid ang kanyang parunggit.

Ang isa pang napansin namin, her Instagram account is filled with English messages. No offense meant, ha, pero sa mga interviews ay never naming naringgan ng all-English sentence si Jinkee. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang tanong lang namin, who makes her messages on her Instagram account kasi impeccable ang English? Does she has a writer-manager for social media?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending