Chloe San Jose may banta kay Carlos kapag bumalik sa pamilya?

Chloe San Jose may banta kay Carlos kapag bumalik sa pamilya?

Ervin Santiago - September 06, 2024 - 09:39 PM

Chloe San Jose may banta kay Carlos kapag bumalik sa pamilya?

Chloe San Jose, Carlos Yulo, Angelica Yulo at Mark Andrew Yulo

NAGTAGUMPAY daw si Chloe San Jose sa plano niyang masolo umano si Carlos Yulo at tuluyang mapalayo ito sa kanyang magulang at mga kapatid.

Iyan ang rebelasyon ng isang taong mukhang may nalalaman sa tunay na mga nangyayari sa buhay ng pamilya ni Carlos at kung bakit nagkaroon ng matinding away ang Pinoy champ at inang si Angelica Yulo.

May ni-repost kasi ang tatay ni Carlos na si Mark Andrew Yulo sa kanyang Facebook account kung saan mababasa ang mahabang status ng FB user na nagngangalang Gerald Fajardo, na isang gymnast coach.

Dito, binasag niya si Chloe at inisa-isa ang kanyang mga nalalaman sa alitan ng pamilya. Isa na nga rito ang ginawa umano niyang pananakot noong uuwi na raw si Carlos sa kanyang pamilya.

Baka Bet Mo: Mark Yulo: Yung mga bintang n’yo sa nanay ni Caloy puro kasinungalingan

Narito ang buo niyang post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Sa usaping interview, Una ni Angelica – napahiya sya diba? Bakit kaya? Diba dahil kay CHLOE…

“Pangalawa si CALOY – napahiya din sya diba? Diba dahil kay CHLOE…MAGINA nga kayo, kase parehas kayong mahihina, parehas na nabahidan ang pagkatao nyo dahil kay CHLOE.

“Dumako naman tayo sa yaman na meron ka? Wala kaming pakealam sa sasabihin ng iba… Focus lang tayo sa kung ano yung mga nagawa mo, since mayaman ka.

“Bakit ka nagbenta ng MACBOOK, na worth 50k, kay caloy. Tapos ikaw lang din pala ang gagamit, kase hindi naman alam gamitin. bakit ka pala nagapply kay maam cynthia? – well in fact di ka naman nakapasa.

“Sumahin mo yung mga subscriber’s na nadagdag sayo after mong makilala si CALOY.

“Mahusay ka. na achieve mo yung ninanais mo, siksik, liglig at umaapaw.

“Wala kang karapatang ipamukha yung milyon na meron ang pamilya mo, at ipagmalaki yang propesyon nila. Dahil talong talo Talaga ang nanay at tatay ni caloy.

Baka Bet Mo: Nanay ni Carlos Yulo sinisi dyowa ng anak: Inilalayo sa amin si Caloy

“Hindi sila nakapagtapos, wala silang milyon, walang trabaho na malaking sweldo ang nanay at tatay. Kaya wag mong i down ang pamilya nya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“After mong isiksik yung sarili mo sa PAMILYA nya, biglang itutulak mo sila palabas? BUO ang pamilya nyan. Sinira mo…

“Yang sinasabi mong ikaw ang kasama sa journey ni caloy sa OLYMPICS , OO… Ikaw nga, ikaw nga talaga. Kase hinusayan mong alisin ang bawat tao sa paligid nya..sinigurado mong mawawala sila.

“Diba, after kausapin si caloy… Para sa paghahanda sa Olympics. Sinabi mong hindi ka priority ni CALOY …Hindi kapaba priority eh magka live in na nga kayo.
Tapos yung oras na uuwi na si CALOY, papunta sa PAMILYA nya. Anong ginawa mo? Sinabi mo diba MAGPAPAKAMATAY ka?

“Buo ang loob ni caloy na lumaban sa 2024 olympics. Handa ang lahat.  Lalong handa sya, oo naka GOLD kayo -dalawa pa, pero pano kung wala ka?. Malamang maka all around payan!!!

“At isa pa ha…Yung nakilala mo si caloy sabi mo wala kang pamilya, hindi ka in good terms sa mama mo at papa mo. Pero ano? Diba gumawa ng paraan si caloy para mabuo ang pamilya mo.

“Sinabi mo sa isang comment mo na sinabihan ng nanay nya si Caloy ng ‘gagapang ka sa lupa’ pero bakit di mo siniwalat ang dahilan kung bakit nasabi ng ina nya yun?

“Hindi ba dahil sinigaw sigawan nya ang nanay nya ng magnanakaw at sinungaling kasi sinulsulan mo sya na magnanakaw ang ina nya?

“Pinakikita ng ina nya yung mga resibo na pinaggamitan ng pera na para din naman sa kanya pero hindi nya man lang nasilip ito kasi naka tatak na sa utak nya na magnanakaw ang ina nya.

“At yung sinasabi mong nakapagpatawad na kayo? Bakit? Kasali ka ba sa pamilya? Pera mo ba yun?

“Sinubukan nyong humingi ng sorry sa buong pamilya? Kelan yan? Kasi yung sinasabi mong gc magaganda lang nilabas nyong screenshot? Bakit di mo nilabas yung pambabastos mo sa ina nya? Kahit sinong nanay pa yan, mag li leave talaga yan sa gc.

“+ikaw CHLOE.. Nasubukan mo bang magpasalamat man lang, kase nakilala mo yung anak? Nagkaroon ka ng caloy at sila ang nawalan…Goal, mo parin talagang, punuin nang galit, ang puso ni caloy para masigurado mong ikaw lang at wala nang iba?

“Well…Masyado pang maaga. Hindi pa tapos ang laban, tandaan mo. Marami kapang laban na kakaharapin. Hindi laging nasayo ang ilaw, hindi laging nakay caloy ang liwanag, hindi din laging nakaayon sa inyo ang lahat,” ang buong post sa FB.

Samantala, bugbog-sarado naman si Chloe sa mga bashers na nagsabing tumigil na ito sa pagsagot at pambabastos sa pamilya ni Carlos para hindi na lumala ang issue.

Narito ang ilan sa mga pambabasag ng netizens sa content creator lalo na sa rebelasyon nitong isinumpa ni Angelica si Carlos noon.

“Epokrita at nakaka suklam ganitong ugali feeling cya ang legit, gf palsng yan ha paano nalang kung pinakasalan na…nku caloy naway kaligayahan mo sa babaeng ito at sumalangit at hindi maging impyerno, at sana yong love ni caloy sa magulang ay hindi mangingibabaw later on or else ikaw ang ms kick out end sa mga pinaggagawa mo now kung paano mo inaatake magulang nya.”

“Dahil sa galit minsan ang magulang hnd mapigilan mkpag salita ng d maganda. So natuwa p to c girl kw nman dahilan kng bakit napalayo ang anak s kanya. Kawawa ang pamilya  yulo pati n’a c kaloy. Habang c girl nag papakasaya.”

‘Masakit para sa isang anak na masabihan ng ganyan. Hayaan na muna natin si Carlos  na mismo sa kanyang tamang panahon sya ay mag heal. Wag natin sana syang pangunahan. Nag si-selflove and self care sya unawain nyo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kung sakali man totoo yan hindi msgsasslita ang ina nai susumpa ang ksnyang anak kung hindi nya nilapastangan ang ina nya  cigurado akong may mga nasabi c ksloy na masskit st hindi matangap ng ina.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending