Coach na malapit sa pamilya Yulo may resibo, hinamon si Chloe

Coach na malapit sa pamilya Yulo naglabas ng resibo, hinamon si Chloe

Therese Arceo - September 06, 2024 - 12:45 PM

Coach na malapit sa pamilya Yulo naglabas ng resibo, hinamon si Chloe

HINDI na napigilan ng isang coach na malapit sa pamilya Yulo ang magsalita hinggil sa lumalalang isyu sa pagitan ng pamilya Yulo pati na rin ng dyowa ni Carlos na si Chloe San Jose.

Hindi na nga nakapagtimpi ang gymnast coach na si Gerald Fajardo sa patuloy na pagbatikos bilang masamang ina kay Angelica Yulo ng madlang pipol dahil rin sa sunud-sunod na bwelta ni Chloe laban sa ina ng kanyang karelasyon.

Sa latest Facebook post ay naglabas ng mga resibo o screenshots si Gerald ng mga mensahe ng pambabastos ni Chloe laban kay Angelica sa kanilang group chat na may pangalang “Linlangin Mo Ako”.

Sa kanyang caption ay inisa-isa niya kung paano na-brainwash umano ni Chloe si Carlos Yulo hanggang sa tuluyan nang mapalayo ang loob nito sa sariling pamilya.

Baka Bet Mo: Mark Yulo: Yung mga bintang n’yo sa nanay ni Caloy puro kasinungalingan

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Sa usaping interview, una ni Angelica – napahiya sya diba? Bakit kaya? Diba dahil kay CHLOE… Pangalawa si CALOY – napahiya din sya diba? Diba dahil kay CHLOE… MAGINA nga kayo, kase parehas kayong mahihina, parehas na nabahidan ang pagkatao nyo dahil kay CHLOE,” panimula ni Gerald.

Inilahad rin nito ang umano’y pagbebenta ni Chloe ng macbook na nagkakahalagang P50 thousand ngunit siya rin ang gumagamit dahil hindi naman daw ito gamay ni Caloy.

“Mahusay ka. na achieve mo yung ninanais mo, siksik,liglig at umaapaw. Wala kang karapatang ipamukha yung milyon na meron ang pamilya mo, at ipagmalaki yang propesyon nila. Dahil talong talo Talaga ang nanay at tatay ni caloy. Hindi sila nakapagtapos, wala silang milyon, walang trabaho na malaking sweldo ang nanay at tatay. Kaya wag mong i down ang pamilya nya,” sabi pa ni Gerald.

Makikita nga sa screenshot na ibinahagi ni Gerald ang mensahe ni Chloe kung saan pinagmamalaki nito ang ama na arkitekto at ang tiyahin na isang chief accountant.

“After mong isiksik yung sarili mo sa PAMILYA nya, biglang itutulak mo sila palabas? BUO ang pamilya nyan. Sinira mo…
Yang sinasabi mong ikaw ang kasama sa journey ni caloy sa OLYMPICS , OO… Ikaw nga, ikaw nga talaga. Kase hinusayan mong alisin ang bawat tao sa paligid nya..sinigurado mong mawawala sila,” matapang na pahayag ni Gerald.

Isiniwalat rin ni Gerald na noong mga panahong naghahanda si Carlos sa kanyang pagsalang sa Olympics ay sinabi raw ni Chloe na hindi siya priority ng binata.

“Diba, after kausapin si caloy… Para sa paghahanda sa Olympics . Sinabi mong hindi ka priority ni CALOY … Hindi kapaba priority eh magka live in na nga kayo. Tapos yung oras na uuwi na si CALOY, papunta sa PAMILYA nya. Anong ginawa mo? Sinabi mo diba MAGPAPAKAMATAY ka? Buo ang loob ni caloy na lumaban sa 2024 olympics. Handa ang lahat. Lalong handa sya, oo naka GOLD kayo -dalawa pa, pero pano kung wala ka?. Malamang maka all around payan!!!” pagpapatuloy nito.

Sinabi rin nito na noong nagkakilala si Chloe at Caloy ay hindi maayos ang kanyang relasyon sa pamilya nito at si Caloy ang gumawa ng paraan para maisaayos ang kanilang mga isyu.

“Sinabi mo sa isang comment mo na sinabihan ng nanay nya si Caloy ng “gagapang ka sa lupa” pero bakit di mo siniwalat ang dahilan kung bakit nasabi ng ina nya yun? Hindi ba dahil sinigaw sigawan nya ang nanay nya ng magnanakaw at sinungaling kasi sinulsulan mo sya na magnanakaw ang ina nya?

“Pinakikita ng ina nya yung mga resibo na pinaggamitan ng pera na para din naman sa kanya pero hindi nya man lang nasilip ito kasi naka tatak na sa utak nya na magnanakaw ang ina nya,” reveal ni Gerald.

Kinuwestiyon rin nito ang paghingi umano ng sorry nila Chloe sa pamilya Yulo.

“Sinubukan nyong humingi ng sorry sa buong pamilya? Kelan yan? Kasi yung sinasabi mong gc magaganda lang nilabas nyong screenshot? Bakit di mo nilabas yung pambabastos mo sa ina nya? Kahit sinong nanay pa yan, mag li leave talaga yan sa gc,” sabi pa nito.

Nag-iwan rin si Gerald ng mensahe kay Chloe.

“Nasubukan mo bang magpasalamat man lang, kase nakilala mo yung anak? Nagkaroon ka ng caloy at sila ang nawalan…
Goal, mo parin talagang, punuin nang galit, ang puso ni caloy para masigurado mong ikaw lang at wala nang iba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Well… Masyado pang maaga. Hindi pa tapos ang laban, tandaan mo. Marami kapang laban na kakaharapin. Hindi laging nasayo ang ilaw, hindi laging nakay caloy ang liwanag, hindi din laging nakaayon sa inyo ang lahat,” sey pa ni Gerald.

Samantala, wala pa namang sagot ang kampo ni Chloe hinggil sa post ng gymnast coach.

Makikita rin na naka-share ang post ni Gerald sa Facebook page ng ama ni Carlos na si Mark Andrew Yulo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending