Ina ni Anne Curtis 3 araw nang naka-confine, ilang celebs nag-alala
IBINANDERA ng maraming celebrities ang kanilang pag-aalala sa ina ni Anne Curtis na si Carmencita Ojales.
Ano kaya ang nangyari sa kanya dahil tatlong araw na siyang naka-confine sa ospital?
Sa Instagram ng ina ni Anne, makikita ang isang selfie na ipinapakitang nakasuot siya ng hospital gown at kapansin-pansin ang tube na nakakabit sa kanyang ilong.
Ipinakita rin niya ang picture ng kanyang braso na may nakasaksak na swero.
Hindi idinetalye ni Mommy Carmencita kung ano ang lagay ng kanyang kalusugan, pero ito ang naging caption niya sa post: “How long be!!!! 3 days already here in hospital [folded hands emojis].”
Baka Bet Mo: Carla Abellana naka-confine sa ospital: ‘I’ve been in so much pain!’
View this post on Instagram
Makikita sa IG post ang komento ng kanyang anak na si Anne at sinabing: “Get well soon mama!”
Nagpaabot din ng “get well” wishes ang ilang artista, kabilang na sina Jhong Hilario, Jugs Jugueta, Derek Ramsay, at marami pang iba.
Nang tingnan naman namin ang previous posts ni Mommy Carmencita, nakita namin na nagkaroon siya ng asthma attack bago ma-ospital.
“Trigger Asthma attack!!” caption niya, kalakip ang video na ipinapakitang nagne-nebulizer siya.
View this post on Instagram
Four days ago naman nang ibandera niya ang isang group picture, kasama ang dalawang anak na sina Anne at Jasmine Curtis na dumalo ng isang kasal sa Australia.
Samantala, recently lamang nang pagpiyestahan ng Marites ang chikang naghiwalay na ang mag-asawang Anne at Erwan Heussaff.
Nagsimula ang tsismis nang mapansin ng netizens na hindi na suot ni Erwan ang kanyang wedding ring.
Agad naman itong pinabulaanan ng mister ng TV host-actress at sinabing huwag basta-basta maniniwala sa mga nababasa o napapanood sa social media, lalo na ang mga unverified information mula sa mga random accounts.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.