Erwan Heussaff napa-throwback sa pagsasama nila ni Anne Curtis
PUNUNG-PUNO ng emosyon ang naging pagbati ng chef at social media personality na si Erwan Heussaff sa kanyang asawang si Anne Curtis para sa kanilang anniversary.
Ngayong Martes, November 12, ibinandera ng kilalang food vlogger ang mga larawan nila ng aktres noong sila ay magdyowa pa lang hanggang sa dumating sa kanilang buhay ang anak na si Dahlia Amelie.
Ngayong buwan ay ipinagdiriwang nina Anne at Erwan ang kanilang 7th wedding anniversary.
“A few more wrinkles, fuller faces, tired hands, shades of lipstick, sunburns, questionable fashion choices, thousands of pictures, a few of them posted, most of them simply cherished and countless meals, later.
Baka Bet Mo: Hiwalayang Anne Curtis-Erwan Heussaff pinagpiyestahan ng mga Marites, pero fake news!
View this post on Instagram
“Throwback to when we officially became ‘us’. 14 years, 7 of them married and 4 as a unit of 3 today,” pagbati ni Erwan.
Makikita naman sa comment section ang reply ni Anne sa asawa.
“I love you! Happy anniversary, Mon amour,” sey ni Anne kay Erwan.
Nananatiling matatag ang pagsasama ng dalawa sa kabila ng mga kumakalat na chikang may problema sa kanilang pagsasama.
Matatandaang noong August lang nang magsimulang kumalat ang tsikang on the rocks ang relasyon nina Anne at Erwan.
Ito ay nagsimula nang mag-post si Anne ng kanilang pictures na wala ang asawa.
May ilan rin na nakapansin sa isang Instagram reel ni Erwan na hindi raw umano nito suot ang wedding ring.
Ngunit agad namang nilinaw ng food vlogger ang isyu at sinabing wala itong katotohanan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.