Anne lumebel kina Brad at Angelina sa Madam Tussauds: Kalokalike talaga!
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang Kapamilya actress-TV host na si Anne Curtis na meron na rin sjyang wax figure sa Madame Tussauds Hong Kong.
Grabe raw ang nararamdaman niyang kaligayahan sa pinakabagong achievement na ito s kanyang buhay at career.
“I’m truly honored to be celebrating this moment, being immortalized by Madame Tussauds Hong Kong. Sobrang hindi ako makapaniwala na I was given this opportunity,” ang pahayag ni Anne sa isang panayam.
Ang wax figure ni Anne ay ibinase sa kanyang major-major comeback sa fashion world, suot ang kanyang bonggang-bonggang white gown na may hawak na microphone.
Baka Bet Mo: Wax figure ni Pacquiao sa Madame Tussauds ibinandera na: Kamukhang-kamukha ko nga!
Bilib na bilib ang Kapamilya superstar sa “precision and accuracy” ng kanyang wax sculpture. Talagang detalyado raw ang kanyang itsura, mula sa face hanggang sa kanyang nunal.
“Sobrang tulala ako in disbelief. Parang ganito pala feeling na meron kang kakambal. Pati ilong, nunal, na-amaze ako kasi alam ko ‘yung process.
View this post on Instagram
“Akala ko parang mummy na hihiga ka, pero hindi pala. Tumayo lang ako. I’m so amazed how precise! Kalokalike ko talaga!” ang natatawang chika pa ni Anne.
In fairness, gumawa rin ng kasaysayan si Anne bilang first ever Filipina actress at TV host na nagkaroon ng wax figure sa Glamour Zone ng Madame Tussauds Hong Kong.
Ka-level niya rito ang mga Hollywood A-listers tulad nina Brad Pitt at Angelina Jolie.
“It’s an honor for me to be the first Filipina actress and TV host to be featured.
“I’m even more proud because I’m representing the Philippines alongside my fellow Filipinos like Pia Wurtzbach, Catriona Gray, Manny Pacquiao, and Lea Salonga. This is a huge honor for me,” ang super proud pang sey ni Anne.
Excited na rin daw ang aktres na ipakita sa kanyang daughter na si Dahlia Amélie ang kanyang wax figure.
“Ang plano ko, mag-Hong Kong kami. Tapos hindi ko sasabihin sa kanya. Ha-hahaha! Tingin-tingin doon para maka…you know, she might have to take a double look,” aniya pa.
Nagbigay din siya ng message sa lahat ng kanyang Filipino fans, kabilang na ang mga OFW na palaging nagbibiro na uuwi sila ng Pilipinas para sa birthday niya.
“Sa mga kababayan natin, alam kong February pa ang birthday ko. Alam ko tuwing January pa lang, may magpo-post na sa Twitter o Facebook na hindi makakauwi for my birthday.
“Pero okay lang, madadalaw niyo siya sa Madame Tussauds,” sey ni Anne. Pwede nang mabisita ang wax figure sa Madame Tussauds Hong Kong simula sa December 9.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.